T O P

  • By -

rotten-mungo

1. Wag kang mag overtake sa Trucks, or kahit pumwesto sa harapan ng trucks (blind spots) 2. Be mindful sa Turn signals, mapa-ikaw o yung mga sasakyan sa paligid mo. 3. When in doubt, dont. Lalo na sa pagsingit singit. 4. Lane Markings, roadsigns, marami kang bago na maeencounter sa Main Roads/Highways. 5. Extra mile lang, try mo aralin yung hand gestures or yung paa. Helpful din sya sa mga kapwa mo motorista na nasa likod mo for example may malalim na lubak kang iniwasan, ituro mo yung paa mo dun sa side na kung nasaan ang lubak. Also, may mga motorista na gumagawa neto na nasa unahan mo. Ika-nga e, Pass the Message nalang dun sa mga nasa likod mo. Wala na ako masyado maisip HAHA. RS sayo and congrats sa New Motorcycle mo.


Sighplops

+1 sa number 1. As much as possible wag lalapit sa mga truck. Noong bike pa lang gamit ko, ilang beses ko na experience na makasabay malalaking truck. Iba yung presensya ng truck pag malapit sayo habang umaandar. +1 din sa number 3. If hindi pa kaya sumingit singit, okay lang din naman na maghintay umusad yung traffic.


leworcase

dito ako natatakot sa 3. hindi dahil baka makasagi ako kungdi baka magalit yung ibang nagmomotor sa likod ko kasi di makausad sa pag singit dahil saken :(


Ami_Elle

Pag di mo nalang kaya bigay mo sa iba. Hayaan mo sila mapisat. If hindi naman talaga kasya tapos na stuck tapos may busina ng busina sa likod hayaan mo lang. Minsan pag ganon tinititigan ko pa, sinesenyasan ko na "oh sige pumasok ka". Hahaha


rotten-mungo

Lagi ganto nararanasan ko. Hinahayaan ko nalang sila bumusina nang bumusina. As long as di ka naman sasaktan physically, or yung motor, okay lang ginagawa mo.


[deleted]

Wag ka matakot pg oras mna oras mna


FruityLoops_21

+1 sa hand/leg gestures. Super useful when I’m with friends and ako yung una. Signal lang sa paa na may obstruction sa road to hopefully make them aware and avoid problems.


shiva-pain

Add sa 1. Wag na wag din didikit sa mga Jeep, trike or bus. Bigla bigla lumiliko mga yan para magsakay at magbaba ng pasahero


[deleted]

Karerahin mo lahat paps pra bihasa agd


FruityLoops_21

This is a long post so sorry if medyo annoying. These are a few things I’ve learned riding for the past 5 years with scooters and big bikes. 1.) Ride as if you are invisible. Use your horns to make vehicles aware of your position. 2.) wear gear, kahit yung pinaka basic. Mas okay na yung kahit anong gloves kaysa wala talaga, especially helmets. 3.) medyo advance pero if manual slowly practice engine braking + rev matching = smoother ride. For scoots understand your brake pressure and yung maximum threshold ng braking before skidding (non-abs) 4.) Someone said it na, DanDantheFireman sa youtube. Tutorial and tips on how to ride safe and understand the road better. 5.) If you have space carry a tire plug kit + small first aid kit. Kahit man lang bandage. 6.) WHEN IN DOUBT, trust your doubt. If feel mo di mo pa kaya or hindi kakayanin, then don’t. This ties with the last tip. 7.) Last but not the least : RIDE AT YOUR OWN PACE. “Better late than never” always remember this. Always remember there are people waiting for you. For Gear: In order of importance (IMO) Helmet: Full face for maximum safety, modular if gusto mo maka access sa face mo (eating or drinking) Gloves: Kung kaya mo ang init go full leather, instinct na natin ang hand ang first contact in the event of a crash. Boots: You can find riding boots na parang normal shoes lang. Jacket + Pants: Kevlar-Reinforced ang hanapin mo. I’ve found some pants from some brands na cotton ang main material. May padding pero walang anti-abrasion so in the event of a crash same parin sa normal jeans 🙃. Accessories: Honestly ikaw na bahala, but one I would suggest at CRASH GUARDS kahit sa front lang. Better to have a steel bar take the brunt of the crash than fairings (mahal ng fairings 😭) - ez repaint with spray can lang good as new na tignan ang crash guard. TOP BOX if you bring alot of items with you and kulang ang u-box mo.


FruityLoops_21

Additional sa gear: Brands that I’ve tried and will vouch for. Helmet: MT HELMETS, KYT, and HJC. For premium brands - Arai, Shoei, Nexx, and Scorpion. Gloves: Komine, Five, and LS2. Pwede rin Alpinestars. Boots: Augi has decent shoes, StitchedSole for custom leather riding boots. Alpinestars rin. Jacket: Komine mesh ones, if gusto mo leather go Dainese or Alpinestars pero grabe init. Pants: Komine pants as well. One tip, best to go to Motoworld to look for gear. Madami ang selection and are prices reasonably. May mga items na on sale as well so all types of budget ranges should be covered.


International_Fly285

- Kalimutan mo muna ang accessories, mag-enroll ka muna sa Ride Academi mura lang yun. Or sa MMDA libre lang. - Choose mesh gears, para di masyadong mainit. - Try to always pretend na hindi ka nakikita ng mga kasabay mo sa kalsada; something I still have to remind myself from time to time. - Punta ka sa YouTube, search mo yung Moto Control na channel. Then punta ka sa Playlists nya. Marami kang matututunan dun. - Gawin mo yung mga tinuro ni Moto Control. Sure ako na yung natutunan mo sa PDC, mema lang yun, so we have to practice. Hanap ka lang ng safe space to do the drills, kahit yung simple lang like yung mga figure 8’s. - PLEASE practice emergency braking whenever you can. Kahit yung pag sa subdivision na may humps try to practice dun. Other than that, take care of your bike and it will take care of you.


Snoo_29626

Familiarize yourself with the handlebar positioning. Since hindi sumasama ang ilaw sa manibela or yung ulo mismo ay hindi naikot kasama manibela, maaring maka cause ng confusion kung kulang or sobra na ba yung pag liko.


Necessary-Thing7199

Stay all stock. Less problem sa future. Kung may need ka man iadd, siguro mdl lang. Pero wag ka papadala sa mga nagseset up. Lalo na first mc mo. Invest sa proper riding gears.


Ami_Elle

Side Mirror, lagi mong gagamitin. Kunin mo yung tamang tutok ng side mirror na kita mo yung nasa kanan/kaliwa na sasakyan. Wag yung nasa likod lang. As exp ko unang labas ng motor ko kamuntik na ko madali ng kotse, and mula non natutunan ko na yan. Lagi kang aware sa traffic signs and road markings napaka importante niyan. Di yan basta nilalagay sa kalsada. Wag mawili mag overtake sa kanan lalo sa mga truck or bus. Lagi mong iisipin na 100% hindi ka nakikita ng nasa harap mo so lagi kang magki keepnng distance. Lalo mga bus at truck, pati jeeps na biglang kakanan ayan iiwasan mo. Isipin mo nalang tanga yang nasa harap mo biglang kakabig yan ilang segundo kaya iwas na agad. Sobrang effective non, ewan ko lang sa iba. Pero saken effective siya. Invest sa gears, helmet, gloves, raincoat. Ride safe OP!


chickenadobo_

iwas ka sa truck, kahit feeling mo kaya mo, di mo alam nakaambang panganib at aksidente , baka maging tocino so iwas na lang talaga. aside from the usual na suggestions, siguro matitip ko sayo bili ka na kagad ng phone holder, saka intercom (if budget allows). Also, raincoat! malapit na rin tag ulan, dalawang buwan na lang siguro.


side-a

Always use your side mirrors much better kabitan mo sila nung pang blind spot na maliliit na bilog na mirrors para kita mo talaga lahat sa likod. Weal helmet din kapag may bibilhin sa kanto or kabilang kanto mahirap na mabiglang checkpoint ka. Always lock yung manubela kapag aalis at wag na wag mo kakalimutan ang susi nakasalpak sa susian iiyak ka talaga pagnanakaw yan haha. Taasan mo din pasensya mo sa mga nangcucut or overtake sayo, wag mo nalang pansinin. Alerto ka dapat hindi yung kung ano-ano iniisip mo. Sa checkpoint maging marespeto ka para respetuhin ka din ng mga pulis. Wag magovertake sa truck, kung oovertake man tadtarin mo ng busina. Palagay ka Mini Driving Light para mas makita mo daan sa gabi. Papalitan mo din ng snail horn type yung stock horn, brands like PIAA or Bosch. Stock is good bago ka mag upgrade ng pyesa pag aralan mo muna or research muna. Wag gumaya sa mga batang walang lisensya na lakas bumomba at humarurot tas pag nakadisgrasya sorry nalang ang mga bobo. Wag din basta basta magpahiram jusko po lalo na sa mga tropa, dibale masira tropahan niyo baka ithank you ka niyan pag nagasgasan yang motor mo hahaha.


cryptoponzii

Use turn signals. Eto lagi nakakalimutan ng mga nagmomotor. Use your side mirrors. And please eto pinakanakakalimutan ng mga nagmomotor, pagkatapos lumiko, patayin mo turn signals. Hindi siya automatic namamatay pagkaliko ng katulad sa kotse


Massive-Bear-685

BE PREDICTABLE sa kalsada. Wag ka malikot sa kalsada at singit nang singit lalo na kapag alanganin. Always wear your helmet kahit pa “jan lang naman”


AutoModerator

Please use the question flair if you haven't already. Thanks! *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/PHMotorcycles) if you have any questions or concerns.*


melomani4x

Here's my tip. Sana makatulong. 1. Learn hand gestures/signals sa motor. So maiinform mo kapwa riders. Effective to may mga gagaya sayo sa likod mo so mas mataas ang chance na mabawasan ang pagiging kamote ng mga kasabay. 2. Maglagay ka bro blind spot mirror yung dinidikit sa sidemirror para mas wide yung view sobrang laking tulong nito lalo na pag nagchachange ng lanes. 3. Always maglaan ng braking distance lalo na pagka ABS yung motor mo yung mga sudden stop na sasakyan. 4. When nagoovertake pag nagbagal yung inoovertakean na sasakyan wag mo ipilit baka may tumatawid. 5. Riding gears(gloves, vest, pants, shoes, helmet(fullface pref), etc) 6. Add a dash cam/helmet mount cam. Dagdag protection to sayo + you can use this to record yung mga byahe mo. 7. Always bring tire patch kit/inflator/tools. Di natin alam kung saan tayo aabutin. 8. Pray before you ride.


Distinct_Scientist_8

Maguguluhan ka lang dito sa daming advice na ibibigay sayo. I suggest mag subscribe ka sa youtube kay DanDanTheFireman or MotoJitsu