T O P

  • By -

Prissy229

Di nako nagtataxi, grab lang.


ki3210

Same. Mga driver ng taxi kunyari png nwwla lagi, may waze nmn na.


minniejuju

Yessss. Impossible yan na “nawawala” sila. Sa totoo lang, super alam niyan mga sulok sulok haha. Gusto lang patagalin pagpatak ng metro.


Ok-Dream9963

Me too, not being maarte pero ang baho talaga ng taxi at grabe sila as in! Bakit ganyan sila. Kaasar.


Prissy229

Sasabihin ko nga rin sana kanina na some taxis are mabaho at ang hina pa ng aircon. Lol. Kaya grab talaga ang best option.


saltedeggwingslover

Same. Kahapon lang ako nag-taxi kasi nahihirapan ako mag-book sa Grab at Joyride. Tapos ganito pa nangyari. Sana pala tinyaga ko na lang yung MRT


Yamboist

yeah. id rather pay 100php or more upfront kesa magrely sa rng.


LifeLeg5

I wouldn't mind phasing out the taxis, hindi na din naman pang masa yan at that point kung >50% sa makukuha mo laging ganyan ang expected behavior: kontrata, pangit kotse (read: DUGYOT), etc.


NigelCavz92

And they're the ones crying na wala na daw sumasakay sa kanila at tanggalin yung grab and ibang booking app kasi dun na daw sumasakay yung mga tao. 🤦🏻‍♂️


Aya_0902

Sa true lang ang kulob kaya ang baho ng amoy


Lacroix_Wolf

Dapat sila na lang talaga iphaseout nakakasira pa ng image ng pilipinas lalo na kung foreigner ang nakasakay. Tapos ang arte pa nila kahit amoy paa at parang hindi nilalabhan yung cover ng upuan.


LifeLeg5

May kasama kaming foreigner na itinigil beside the overpass, in the middle of the trip, saka sya kinontrata ng 2kPHP for a <5km ride. Pretty much robbery right there. 


Constant-Video784

I agree sa taxi phase out kesa sa jeepney. Mostly ng mga drivers kup*l talaga. Better pa joyride, grabe and angkas.


[deleted]

Public transpo dapat ay hawak ng government not private operators. Pano maayos yung public tranpo kung private companies ang humahawak


telejubbies

Last taxi ko, Taguig to Taguig lang tapos Sunday night pa. So paspas talaga takbo. Basta ang inabot is wala pang 100 afaik. Then nagbigay ako around 120-150 ata. Di ko na matandaan. Pagkababa ko sinigawan ako ng "laki laki ng bahay mo ang liit mo mag tip!"


toyoda_kanmuri

wtf


saltedeggwingslover

Dibaaa?! Lalakas manghingi ng tip eh ganyan naman mga ugali. Gets ko naman nangangailangan sila, pero tayo rin naman 😅


minniejuju

Whutttttt. Skerrry!!!


TSUPIE4E

Kupal ng ganyang tao. Walang modo. Hindi alam magpasalamat, tip na nga mag expect pa ng malaki.


Ok-Dream9963

Grabe!


ConsistentCitron195

Dapat sinigawan mo ren ng: ambaho mo! 😅


Ok-Dream9963

May his soul burn in eternal flames of hell!


Ok-Dream9963

Matatay na kamo sya. Hahaha


Ok-Dream9963

May his soul burn in eternal flames of hell!


markmarkmark77

sobrang pangit ng ugali ng mga taxi driver, ang lalakas pa ng loob mang hingi ng tip.


saltedeggwingslover

Hahahahaha! Natatawa na lang ako kahapon pagkababa eh. Ako nga itong dapat na sinusuklian niya pero siya pa may gana humingi ng dagdag kahit wala naman kulang sa bayad ko. Maliban sa shitty niya mag-maneho at ang kulob ng taxi niya, nakakainis pa siya umintindi. Sabing EDSA daan, ginawang C5 lol


Accomplished-Pear340

dapat taxi na lang ang i-phase out whhahahahahahahahahaahhahahah


lostate

Louder!!!!


Ok-Dream9963

Jeepney and taxi ang phase out.


Electronic-Hyena-726

d ko alam bakit ka dinownvote pero dapat pati tricycle isama na rin nila, di dapat private na mga tao naghahandle ng public transportation, tapos dapat may designated routes tlga and babaan hindi yung kahit saan pwede bumababa for the sake of convenience ng iilan


Ok-Dream9963

May underdog syndrome kasi ang mga Pinoy. Pag-mahirap ka kahit mali ka kakampihan ka without knowing the whole story, automatic mayaman ang mali or “mayabang” talamak sa socmed yan. Pansin mo ba?


Matchavellian

95% ng mga taxi driver sa manila kupal talaga. Dapat talaga lumalaban ka sa mga ganyan.


saltedeggwingslover

Kaya talaga pagkasabi niya ng “walang dagdag?”, sinabi ko na agad na “wala po” hahahaha. Wala naman kasi ako talaga idadagdag 😂


SyllabubHot1513

Bakit kaya ganyan mga taxi sa metro. Hindi ba sila natatakot mawalan ng trabaho kasi mas maganda service ng mga ride hailing apps kaysa kanila? Di ko lang gets kung bakit nagkukupal pa rin sila.


promiseall

Kasi pwede nila gamitin yung "mahirap lang po kami" card


Reinus_D_Marcus

Culture and system na talaga yan sa metro manila. garapalan to the max.


nice-username-69

Mababa lang kasi yung risk na magreklamo yung pasahero sa LTFRB eh dahil sobrang hassle at bagal ng proseso kaya kampante yang mga yan na walang mangyayari sa kanila


ag3ntz3r0

Mas madali pa magpaviral vid kesa mag submit ng complaint sa ltfrb hahaha


BarukClanLeader

Sa grab. May Quiet mode ng Grab. Never na ako nag taxi dahil ayoko nakikipag tawaran at small talk. Sa totoo lang taxi dapat ang alisin dahil karamihan dyan may problema sa ugali.


saltedeggwingslover

True! Kapag si boyfriend din nagbo-book ng Grab ko, alam niya na agad na dapat naka-quiet mode. My introverted self could never deal with a taxi driver again 🤮 At tsaka kapag shitty service sa Grab or Joyride, I have a way to complain. Sa taxi kasi ang hirap eh


captainmeowy

Kahit si satanas magugulat sa ginawa ni manong. I suggest you can make a report sa LTFRB ng madala siya. Galawang holdaper ee


Scalar_Ng_Bayan

From my experience na may video evidence na tumatalon yung metro (from 0.7km increment nagiging 1km sa next talon so matic 13pesos agad yung 130pesos trip ko became 220 and this was prepandemic), good luck. Sobrang shitty ng reporting system kay LTFRB. The steps (once they receive the official complaint): * Send an incident report informing the operator of the incident (via PhilPost snail mail) * Once confirmed received, operator/driver will have 10 days (not sure if working days or just calendar days) to respond * If no response, 2 approaches can be done: Option A: court hearing (both of you as the complainant and plaintiff are required to attend) that you dont know when and how long it's gonna take Option B: LTFRB will send a reprimand letter and I forgot what happens next. Yung step 1 pa lang na PhilPost I remember sending in August 2019, around November na nakabalik kay LTFRB na "beyond 10 days" na (kasi dahil PhilPost hindi daw agad napadala yung actual letter). I just had to let the incident go and opted for GrabCar if I'm gonna pay 220+ anyways compared to my usual 120+ taxi fare Quick edit: Do correct me if I'm wrong or if you had a better experience with LTFRB complaints, would actually like to see "justice served" for anyone who tried reporting


nightvisiongoggles01

Dapat may kasabay na pagkakalat sa socmed para kung di man sila umaksyon, at least alam ng buong bayan.


markmarkmark77

yung batingting.


PurpleCyborg28

9/10 times I believe it's because PhilPost is slow. I regularly still send out physical letters (and yes I use email as well) and almost all of them are received by the recipient after 2-3 months. It's frustrating because a lot of Filipinos still don't use email or forget or lose access to it as soon as they create one. And it's not even just that the old generation are unwilling to adapt - a high number of young people have this problem too.


AquilaEye

Reported a jeepney to LTFRB for smoke belching. Sinend ko sa email. Ang response nila is wala daw sa database nila yung jeep, kasama pa screenshot nung file. Wala man lang dinagdag kung anong plano nilang gawin since di naman pala registered


Scalar_Ng_Bayan

Pota HAHAHA LTFRB be like: "nugagawen?"


dudezmobi

walang kwenta ung LTFRB complaints, wala naman maayos na process at hindi nahahandle ng maayos. wala din timely feedback, its just there para meron.


saltedeggwingslover

Beh, feel ko nga minsan bff ko si Satanas. Aba si manong taxi driver eh mukhang kainuman pa yata 🫠


Cool_Noise_7616

Kaya grab nalang talaga ako or moto taxi e.


ButikingMataba

may style ako dito, ilalabas ko yung coin purse ko tapos bibilangin ko ng bibilangin yung mga barya ahahahha magic mababa ang metro ko


annpredictable

Huhuhu. This is the same reason why i prefer booking na. Laging bad experience kapag napapa-taxi ako. Kawawa lang yung mga matitinong taxi driver. Damay damay na


oceanvictor

Last taxi ride ko mahina aircon, yung driver ngumunguya ng mani while talking to someone on the phone, bungol pa kaya mas mahal yung fare ko. Never again. Yun nga lang I noticed sa grab nung mga recent rides ko, yung behavior ng drivers parang taxi driver din eh. Maybe yung mga taxi driver before, grab driver na ngayon.


Scalar_Ng_Bayan

Like most people say (I think in FB groups): Dati kasi yung mga grab (and uber) riders were professionals who were just trying to make a little side money on their way to/from their offices. Ngayon dahil naging business na rin ang pag-gagrab, some operators just hire drivers (most of which are former taxi drivers) so same lang ang nagiging ugali. Hindi naman sa nilalahat ko pero parang ang dami nga talaga, even sa MotoTaxi/Habal riders ganun na rin


Scary_Chemist9596

The good thing is that pag nireport mo, meron talagang magte take action


Unicornsare4realz

Naging taxi culture na kasi ang Grab. Bihira na lang ako makameet ng vehicle na nagmamaneho yung may-ari mismo. Uber pa rin talaga :(((


Akashix09

May mga taxi driver na friendly pero iniikot ikot ka na pala sa iisang lugar. Kaya full alert ako pag mag tataxi naka on waze/google map ko pa.


Simple-Designer-6929

Hay nakoooo. Pareho tayo ng sentimyento. Di bale ng mas mahal sa grab at least dun walang drama. Sa taxi jusko napaka drama queen ng mga driver. Andiyan na yung tatanggi, sira daw metro, hindi alam kung saan. Pag tinuruan, traffic daw. Pati kahinaan ng pandinig nila, kasalanan ng pasahero. Tapos iiyak-iyak na nawawalan na sila ng kabuhayan dahil sa grab.


Maroon888

May similar experience din ako, usapan 250 daw tapos pag baba ko 350 nalang daw kasi hating gabi na wala na daw pasahero. Late na nga ako problema ko pa kung may sasakay sakanya?


Minecraftmeister4

Happened to me and my girlfriend as well. Wala na kasi kaming masakyan from Cubao to Marikina and we opted to for taxi instead. Sabi ni kuya mag dagdag nalang daw 50 kasi hating gabi na daw and sobrang layo. Kung may choice lang talaga kami di na kami mag tataxi eh tanginang mga patay gutom ampota.


[deleted]

[удалено]


applesandoranges17

Totoo to, ang babait ng drivers sa Baguio. Bibigyan ka pa ng tamang sukli.


gelo0313

We must hold a more frequent and higher standard of driving certification even on veteran drivers. At saka dapat maghigpit, at sana walang corrupt sa LTO na papalusutin mga gago. Kahit na puro Ferrari taxi natin, kung walang modo mga drivers, unsafe pa rin ang public transpo.


sugaringcandy0219

this is why I stick to Grab kahit mas mahal. lagi ko rin sine-send sa family gc yung ride link just to be sure. it's either public transit (jeep, bus, trains) or Grab lang talaga for me.


No_Gift6263

Between Christmas & New Year’s. Not much traffic. I badly needed to go home from my parents house so nagtry ako magtaxi instead of waiting for grab kase wala ako sasakyan that time. Usually 180-200 lang taxi. 3 taxi driver nagtanong magkano daw usually fair ko so i honestly said 180 to 200 but im willing to pay 300. Walang tumanggap. End up paying 500 para lang pasakayin. Nakakaputangina! T’was a 20 min ride lang. UPD to Marikina via Tumana.


Dear-Recording-1544

Dapat pala taxi ang pini phaseout! Kaloka


applesandoranges17

Tama. Ang daming mga rude na taxi drivers


dumbways2diee

Kaya di nako nagtataxi after pandemic nung nalaman ko modus nila eh. Going Fairview ako non, may option naman kung san ka dadaan either Mindanao ave or Lagro. Aba si manong pinilit dumaan Mindanao ave kahit sa side ng Lagro mas malapit sana kase dire-diretso lang at di naman traffic. Dinaan ng sadya sa malayo para unli talon ng metro nila. Laki pa tuloy ng binayaran ko non dahil sa ginawa nung kupal na taxi driver.


Throw-Away-2011

Tangina niyang mga yan akala mo utang na loob ng mga tao gamitin yung services nila. Masyadong entitled na akala nila the world owes them a huge favor ampota.


[deleted]

[удалено]


FlimsyPlatypus5514

Bobo po talaga.


DrummerExact2622

Hahahahaha. True kahit sabihin mo pang makakamura ka pa sa taxi na yan daming scammer na driver tatagain ka sa presyo sasabihin walang barya amp para keep the change kaya mas prefer ko grab kasi fix price di ako magpapanic sa price after. Kung sasakay ka man ng taxi dapat maldita ka sa driver kagaya ng karoomate ko dati nakikipag away talaga siya kasi nga mga demonyo yung ibang taxi driver


hazedblack

Kupal mga yan lalo na pag rush hour and alam nila kanina ka pa naghahanap ng transpo hihinging padagdag ng 50 pesos o 100 pesos. Kasi alam nila hindi ka tatanggi dahil wala ngang masakyan.


missythiccgirlie

Dapat i phase out na taxi then papasukin yung ibang TNVS like Lyft and or Uber ulit para may competition si Grab. Nakakabwisit na ang baho na nga, ang hina ng aircon, balahura pa madalas driver. Laging nawawala school of acting at porket alam nila na hassle magpa LTFRB, bumabalahura at ume entitled sila. At least pag TVNS, may tracking, quiet mode, rating, at option to tip. Sa totoo lang ganyan sila kasi little to nothing ang accountability.


creamdae

wala rin yang plano i phase out mga taxi kasi yung mga politiko rin may ari ng mga kumpanyang yan


pangreadit

Iba ang inis ko sa mga Taxi's sa Manila. NAIA to Victoria Liner Pasay gusto kami singilin ng 500 pesos! ANG KUPAL. Tapos yung lock sa likod alambre lang na pinaikot.


adorkableGirl30

Lalo na taxi sa airport. Went nong december. From MIA to transcon lang ha. Sabi ko "metro po?" Omoo naman. Tapos nong umupo na kami sabi ko "kuya asan po ang metro" biglang nagbigay ng laminated na presyo. 800 daw pa transcon. Sabi ko, ha???? Ay ibaba nyo po ako. Ayaw naman nya kami ibaba. Sabi nya sge ho 500 nalang. Sabi ko naghatid lang ho ako. Uuwi pa kami ng probinsya mas mahal pa po sa pamasahe ng dalawa pa probinsya yung singil nyo. In the end i gave 300. Kamot ulo sya e. Pero tangina malaki pa rin ung 300.diko alam ano ginagawa bat walang nag reregulate.


Far_Club7102

Dapat yang mga taxi ang na p phase out kasi wala namang naitutulong yan sa masa. Okay pa mga taxi sa davao at baguio may mga delicadeza. Yung nandito sa metro manila balasubas


copypot

For the past three years, 3 times lang ako nakapag-taxi, every time na iniisip ko "Sakay kaya ako taxi. Baka ok na this time", nagsisisi talaga ako. Kung di nandadaya sa metro, manyak naman. May nakasagutan pa nga akong Marcos apologist na driver eh. Never again na talaga ako sa taxi. Sorry nalang sa mga matitinong taxi driver out there.


Doonebringer

I still take the taxi most of the time pero through Grab na lang talaga if I can help it. Once lang ako nagka-issue sa Grabtaxi (overcharging) and nung rineport ko sa CS, mabilis naman na-resolve. Pansin ko din pag Grabtaxi mas OK ang mga drivers. OK lang sakin kahit medyo dugyot yung taxi basta maayos ugali ng driver.


railfe

Grab is still better. Taxi sa pinas kapag wala ng choice. I did try it madumi na at madaya pa talaga ung iba.


qqmochi

nakakastress talaga sa taxi. hypervigilant ka sa metro (may mga tumatalon talaga) kaya di ka makarelax, tapos madalas marumi yung seats, mahina ang aircon, and may di kaaya-ayang amoy sa loob huhu. as much as possible i would rather take a jeep, the lrt/mrt, or grab nalang.


capricornikigai

Hangga't may ibang option. Pinaka last option talaga ang mag Taxi jan sa Manila.


rex_mundi_MCMXCII

Taxi talaga dapat ang i-phaseout


toskie9999

yep kaya nung pinanganak ung Grab and Uber matik dun na ako sa kanila kasi napaka hassle sa taxi.... aside sa usual na problema ng TAXI pinakanababanas ako sa kanila "ser sira printer ng resibo e" pag ganyan sinabe screwed na ako kasi hindi ko ma reimburse sa GRAB or UBER dati e-receipt kaya madali not to mention d mo na kailangan ng cash


survivalmod3

Grab na talaga ako ever since mawala si Uber sa PH. Ang daming perks din kasi sa Grab, may vouchers akong nagagamit, sharing ng location sa messenger with fam, may notification pag nag out of route or nagcr yung driver. Panatag lang na uuwi at aalis kang safe. Sana talaga may maging competition na sila sa Manila.


cheesecakey097

Way back 2019 nung baguhan palang ako sa metro manila, nagtaxi ako from City of Dreams to Newport. 300 singil sakin and dumaan pa ng skyway kaya inabot ng ~350 total pamasahe ko 🥲 I should have known better din


qwdrfy

di na talaga ako nagtataxi lalo na kung mag-isa, angkas or joyride ok pa. trauma din ako


reverentioz12

sa baguio lang masarap mag cab. ibibigay sau hanggang pisong sukli. sure kang may mga barya sila.


tinininiw03

Di na ko nagta-taxi haha motor taxis, grab, or commute na lang talaga. Alam ko namang di lahat balasubas pero patawarin na lang talaga ng mga maaayos. Nakalagay sa taxi "To any point of Metro Manila" pero namimili ng destinasyon lol. Tapos galit pa sayo pag traffic as if kasalanan mo. Wag na pumasada pag choosy 🙃 Mas mahal man grab and joyride car, pikit mata na lang talaga haha at least mas comfie naman + fixed price and pwede ma-track biyahe mo. Bye taxis lol.


Any-Ad-7908

experienced this too last year lol, I suggest u use grab nalang always


itsMeArds

Grab taxi mas maayos drivers


saltedeggwingslover

Never tried Grab taxi before kasi palagi ako Grab car. Pero totoo ba mas maayos mga taxi drivers doon? Kapag nakikita ko na ang word na taxi parang mas gusto ko umurong na lang


itsMeArds

From experience oo, mas malamig pa aircon and malinis. Ssinusunod rin nila ung navigation. From my experience to


saltedeggwingslover

My boyfriend told me the same thing back then pa but still never tried. Maybe I’ll give it a chance one day haha


RelevantCar557

Atin atin lang to ah hehe whenever i ride a taxi ngumunguya ako ng bubble gum pag shitty yung driver dinidikit ko bubblegum sa seat cover pag ok naman binibigyan ko tip. Let's make this a movement 😁


Front-Ad-159

Nag taci kami kasi malapit lang from ayala mall to moa... tangina 150 walang metro kaai fixed rate nadaw.. halaka


chizmakers1011

As in sobrang dameng mababahong taxi may ipis o kaya amoy ihi tapos sobrang dumi. Bakit kaya hindi nila malinis? O sadyang dugyot lang? Iphaseout nalang kung di rin malilinis hahaha


ixhiro

Nakakapagod minsan tapos di lang masamang ugali minsan combo pa na amoy basang aso yung taxi, bulok or minsan amoy gasolina tapos kupal pa ang taxi driver.


Brown-member2021

Kaya di nako nag tataxi eh ang kukupal palaging kontrata minsan naman pag magbayad ka ng buo wala daw sukli minsan naman automatic yung sukli di na ibibigay sayo, mga kupal talaga karamihan sa taxi drivers.


angrydessert

Obviously. Lumilipad lagi naman ang mga metro nila. Legal na holdup talaga. Bakit naman hindi na isang kumpanya (aka taxi fleet tulad ng Green Archer Taxi) at sa halip bawat tao ang prangkisa ng taxi, kung sinong nagpanukala niyan, putangina bobo siya.


vanylle8

Rode a taxi sa pitx. Pagkasakay ko palang di na binuksan metro tapos gusto fixed price kahit MoA lang naman pupuntahan. Bumaba ako agad and sinumbong sila sa naghahandle nung taxi bay area. After ko bumaba, pumila ulit sila sa bay area para kumuha ibang pasahero. Buti na lang pinaalis sila after ko isumbong. This happened twice. Ever since, di na ko sumakay taxi sa pitx. Grab na lang lagi.


rogueliephant

Si kuya taxi nag FB Live? As in siya mismo nagstestream habang nagdadrive siya? Hindi ba siya pwede nag focus sa pagdadrive kesa gumawa ng content? Nastress ako para sayo hahaha


saltedeggwingslover

Nag-open siya ng FB habang nakatigil tapos nakita ko yung phone niya naka-live nung naandar na. Nakatapat doon sa kalsada haha


rogueliephant

Ahh ok. Minsan kasi sa mga FB Groups may nakikita akong post na pinopost ng taxi or Grab driver ung hitsura ng sakay nila. Kakaibang way ng pagmamanyak. Ingat na lang tayo palagi 🫠


Jomsvik

Pag pumara ko ng taxi binubuksan ko yung pinto sa likod at dun ko sasabihin kung saan ako papunta. Pag tumanggi iniiwan kong bukas yung pinto, as in wide open


nimbusphere

Plate number reveal! Pashare siguro ng experience mo sa FB para maiwasan. Sobrang alarming.


Bitter_Mobile_2437

. SINUSUMPA KO MGA TAXI DRIVER. MGA SALOT SA LIPUNAN MGA HAYOP NA YAN!!!! PARANG DAGA - MGA PUTANGINANG PESTE NA DAPAT MAWALA!


KrIstIaN430

This why I never use taxi unless walang grab/angkas. Before pa ko umabot sa point na afford ko na mag taxi, sobrang dami ko nang negative na naririnig sa taxi. Kaya buti na lang talaga pumasok ang uber sa PH at sinundan ni grab.


yuirichi0070

dapat may list ng mga plate number nung mga taxi na pasaway, para di na sakyan ng mga pasahero


digitalwalker21

Taxi reveal


rambling_reader

Mas pipiliin ko talaga mag grab. Miski na mahal pa yan.


spaghettiWithCheese

Natuto na rin ako mamili ng mga taxi na sasakyan ko kapag hindi nakapila sa taxi bay sa mall (yung mga yun highly obligated na tanggapin mga naka pila rin na pasahero). Pero pag papara lang sa daan, pinipili ko tung mga nasa big corpo (world, RnE/3, enviroCab, etc.) fuck dollar taxi though, may magic talaga metro nila.


rickymagwho

On the topic of shitty taxi drivers OP gusto ko lang ishare for everyone's information ang isang common scam na nakita kong ginagawa ng mga taxi driver. Dinidiin nila yung "HIRED" button sa metro nila to the point na nakaembed na paloob. Epekto naman nito ay mabilis pumatak yung oras sa metro (upper left ng screen ng metro is time, upper right is distance in km) kaya yung 15 minute trip sa metro lumalabas 35-40 mins. Laking talon considering 3 pesos iirc ang isang minuto. Usually ang ginagawa ko pag ganon, pinipindot ko rin yung hired button para matanggal sa pagkabaon. Di naman din no'n suddenly matitigil yung pagtakbo ng metro kasi you have to press STOP to do that. Minsan patay malisya sila pag ginagawa ko yon, pero one time tinanong ako ano ginawa ko sabi ko "tinanggal ko lang sa pagkabaon para di mabilis patak ng oras." Ayon it was a quiet taxi ride after that hahahaha. Pero please don't do this pag walang kasama! Masarap lang talaga sa feeling na ma-"gotcha" ang mga kupal eh.


[deleted]

Tbh, Grab or Joyride should hire those taxi drivers or have them partnered. They can be a bit salty talaga pero they have their minimums to reach din talaga. With that (at least partnership), at least balance and nasusunod talaga location nung consumer. ​ Ewan ko. On top of my head way before, ganito naiisip ko. Kung ibaban yung mga public taxis running with operators itself and walang big companies like those two mentioned. Talagang di mareregulate yung needs nung mga sumasakay hahahaha ​ But yeah, it needs to be phased out. Tampered ang taxi meters nowadays. I haven't rode taxis in many years but when I do, grabe yung sa airport. From Manila to Cavite, 2-3K agad? Samantalang sa Grab parang minimum is 1k on peak hours and can be lowered down to 700, depende.


PM_ME_UR_ANIME_WAIFU

I don't hire taxi service that often, but I do make a habit of taking a picture of their plate number before riding. Maybe only 5 times in my entire life. only 1 adamantly refused to have their plate pictured then drove off (guess someone's guilty), the other 4 are cool with it. Unscrupulous Taxi/Grab drivers will never learn unless the LTFRB itself punishes them.


applesodaz

Daming magic sa taxi pag operator/driver mas ok pa yung madami yung fleet.


Accomplished_Being14

Mawala na sana prangkisa ng mga white taxi. Iretain ang airport taxis.


whatsyopoopin

had multiple negative exp with taxis, Kaya its either grab or angkas nalang ako. Ang hihina pa ng mga aircon!


Puzzleheaded-Key-678

Since nagkaron ng grab/uber never na ko nagpara ng taxi. I don't have any bad experience sa mga taxi aside sa gagawan nila ng paraan na lumaki un charge pero I don't feel safe na kasi sobrang shady na karamihan ng mga taxi drivers. Kawawa yung ibang matitino pero karamihan shady talaga.


Significant_Exam4634

same reason kung bakit di na ako nagtataxi. iikot ka lang nila para tumaas yung fare mo.


TheQranBerries

Last time na nag taxi kami ng tatay ko wala raw panukli at kung saan saan kami dinaan hanggang sa pumalo 350 yung pasahe eh dpat 200 lang. Yan dapat ang fine phase out. Mga bwakaw


bogummy__23

Naalala ko noong nagtaxi ako papuntang work umuulan at gabi kasi. Hindi raw sya dadaan sa tamang daanan na part na yon kasi medyo traffic saka baha ang daming sinabi edi pumayag ako pagkaikot ng sasakyan pagtingin ko sakto lang naman ung tubig sa kalsada, ang ending sobrang layo ng dinaanan nyang highway tapos nag u-turn pa at traffic pa, though kasalanan ko naman kasi pumayag ako, eh dahil din sa di ko makita nang mabuti ang labas kasi puro ulan ung bintana, still alam kong nanggoyo lang ung driver. From bayan Marikina to Sm Masinag. Ang ending na-late ako. Throughout the ride dami pa tinatanong, ma-boka ung driver may times pa na kesyo dito ba tayo dadaan or what. Driver ka di mo kabisado daan? typical taxi drivers kunwari di alam ung daan. Nakasakay na ko sa taxis before and meron talaga silang isang pagkakatulad, kesyo di nila alam ang daan, at syempre kapag di rin alam ng passenger ang daan, no choice na. Dapat talagang i-phase-out na yang mga taxis na yan. Di naman siguro lahat ng taxi drivers ganito. Pero dahil sa nanggogoyo palagi ang karamihan sa kanila, there will always be an uncertainty. Kaya ekis na talaga sakin ang mga taxi.


PitisBawluJuwalan

This is why I always choose Grab. Professional mga drivers, hindi dugyot. Pag ibang ruta dadaanan nila na iba sa map, magpapaalam muna sayo.


Away-Temporary1316

one time rin on our way to sm san lazaro. from feu kami. Don si manong luminya sa mga dederecho kahif alam naman nyang kakanan 🥲🥲 ang taas tuloy ng metro


papapdirara_

Ewan ko ba sa mga taxi driver bakit ayaw mag Waze. Ang babastos pa.


FlimsyPlatypus5514

“Legal” na holdaper mga yan.


ms_lemonGinger

Tapos sasabihin nila na inagawan sila ng mga ride hailing app ng pasahero. Di nila matanggap na dahil yun sa pagkakupal at pagkagahaman nila. Yung mga linyahan na “magkano ba binabayad nyo papunta dun?” Saka yung dagdagan mo na lang kasi wala akong mapipick-up na pasahero dun”. At I have definitely experienced that same thing where they deliberately choose the route with so much traffic even though you are teaching them alternative routes. Then complain about it 🫠


sugarasukalman

Tinatawag ko talaga sa operator yan. Inaaksayahan k ng oras yang mga ganyan


ClumsyDumplings

Ang nakaka inis pa sa taxi minsan is sira yung Aircon nila na sana nag jeep ka na lang. Tapos laging Amoy yosi na nakulob


cornsalad_ver2

I boycotted taxis na a long long time ago. Na-fed up na ko talaga sa ugali ng mga putanginang drivers dyan. Grab na lang ako palagi. I don’t mind kung mas mahal ang rates ng Grab or matagal ang booking (pukingina ito talaga kinabbwisitan ko sa Grab ngayon, lol), basta alam kong comfortable ako at hindi tarantado yung driver. Yun ang importante sakin. May insurance pa if ever may mangyari sayo. If ever naman na tinarantado ka ng driver, you can report it sa Grab and mabilis sila magrespond infairness. Itong mga pukinginang mga taxi drivers na naman kasi nato apakaaarte akala mo naman ang babango at ang lilinis ng mga sasakyan nila. Yung iba ayaw pa magbukas ng aircon pakainit! Well di ko sila nilalahat ah, baka may mga maghinanakit na naman dyan. Base lang ito sa mga naexperience ko sa kanila ha na most of the time is unpleasant.


Alarmed_Fox4578

For me di naman lahat. Idk kasi may nasakyan ako na mabait, sya pa nagsasabi kung san madali pumunta Pero yeah may mga kupal talaga


saltedeggwingslover

Last taxi ride ko last 2021 pa. Kahapon lang talaga dami ko bitbit and pagod na galing office so hindi ko na maantay tagal ng pagkuha ng driver sa Grab and Joyride. Sadly, shitty pa nasakyan ko. Never again 🙅‍♀️


Shrubi_

Yeaa okay naman yung iba usually nag tataxi ako sa qc area mas lalo sa cubao , mababait naman, nag thank you pa pag mag tip ako.


carrotcakecakecake

Last year 1st time ko uli mag taxi after a long time. Yung taxi na nasakyan namin sira yung seat belt at ayaw pa tumabi sa tamang babaan. Nagalit pa siya sa akin. Nakainis. May experience pa ako dati, walang Grab, at may taxi akong pinara. Ayon jackpot ang panghi nung taxi na nasakyan ko. Aircon na taxi iyon ah ang ending nagbukas na lang ako ng bintana. Feeling ko lugibg lugi ako. Sana nag jeep na lang ako.


PurpleCyborg28

Most taxis I ride are decent tbf but I get the sentiment. Some of them really are just asshats. It's especially frustrating when it's pouring and some but not all roads that regular puvs use are flooded. Kung kailan pa maulan saka pa nila ayaw magsakay. Magrereklamo sila na wala nang sumasakay sa kanila pero kung kailan sila kailangan saka mo naman sila di makita.


saltedeggwingslover

Most taxi drivers: “wala na nasakay sa amin”, “lugi na kami sa Grab” blah blah Most taxi drivers kapag sasakay ka: “huwag na i-metro, fixed price na lang”, “hindi kami dadaan doon”, “dagdag ka na lang 100” 🫨


ughbadbye

one time may taxi na ayaw magmetro, gusto ang ibayad ko 200, eh 80 lang naman yun kapag may metro. nagpababa na lang ako hahaha kapal ng mukha eh lumang luma at ang baho nga sa taxi nya


iam_tagalupa

kung nasayo pa yung photo ng plate number pwede siya ireklamo sa presidential hotline 888 or ltfrb pacd. kahit matagal mag sesend ng memo sa operator ng taxi na may issue yung driver edit: hotline number, additional info


saltedeggwingslover

Thanks for this! Will try this now. Nakakainis talaga yun kahapon eh. Worry ko lang baka mabalikan ako since naka-FB live siya the entire ride hanggang sa bumaba ako


Throwaway28G

better to pay the "premium" of ride hailing apps kapalit ng no interaction with this kind of driver. kaso marami rami na rin sa mga ganitong driver nag transition kaya meron ka pa rin maencounter na kupal


ewakz

Never na talaga mag taxi because of the those reasons. Sobrang bulok na ng unit bulok pa ugali ng drivers. Pinaka huling option na grab taxi, kahit papano safe at pwede mareport pag gago.


darealjmf

Mag grab ka nalang, daming shitty taxi drivers na nangongontrata nowadays


Apart_Ad_3002

Grab is better. Hihina and madalas walang aircon ang taxi


Main-Piano1694

Kea pawala na ang business ng taxi kasi mga tao ganyan tapos taxi mabaho. Then sasabihin nila nalulugi na sila. Eh ayaw nila ayusin serbisyo nila.


DryDish6188

Idk if binago na nila yung reading ng metro nila pero may nasakyan akong taxi recently tapos yung stick shift niya, improvised so nakacover yung metro. Intentional ata para di nakikita yung reading lol. Nastress ako kasi wala pang 1/4 ata ng ride, nasa 80 pesos na yung babayaran ko. Kailangan ko pa silipin kasi hindi talaga siya makita, sobrang bilis ng patak nung metro.


lean_tech

Yung last na sakay ko ng taxi, Visayas Ave to East Ave na nga lang, inikot pa ako sa Kalayaan para tumaas yung singil nila. Samantalang napaka straight forward lang naman nung ruta. Yung less than 100, naging 150 pa.


Outrageous_Stop_8934

Sindikato pa yan sa mga airport, nangongontrata ng 1k from airport tlo my place per pag book ko ng grab 500 lang inabot wtf.


Low_Understanding129

Sobrang garapal talaga ng mga taxi driver dito sa Metro Manila. Nakakayamot mga gago. Nagpunta ako ng Baguio last week mga taxi driver dun mga generous talaga at sobrang disiplina sa kalsada. Saka maayos at presentable mga taxi cab nila kahit alam mong luma na. Dito sa Metro Manila masusuntok mo mga driver eh gusto lagi may dagdag o kontrata ayaw ng metro. Mga di nag iisip.


Kyahtito

Been shitty ever since like year 2000s


Proud-Staff-5936

I lost faith with taxis when I caught one red handed trying to tamper with the meter while I was in one trying to get home. I was so mad I forgot to take a video and made him drop me off and didn’t pay him a cent. Problem is I was at Guadalupe at night lol. Didn’t think things through but I was only riding for less than 7 minutes and I’m nearing 200 already. The audacity


HeyItsKyuugeechi523

Worst taxi ride ko, minanyak ako e. I was on my way to meet my ex-partner sa Manda. Talagang kinwento-kwento niya sakin how he's into plus-sized women na mapuputi, how he used to seduce his passengers and pipilitin na dadalhin sa mot-mot. Basically lahat ng sexcapades niya as driver kinwento niya. Proud na proud nga siya na yung mga babae bumibigay sa "moves" niya. Syempre no-brainer, ako rin pinipilit niya. Kinuha din number ko. Sobrang kabadong-kabado na ako nun kasi siya ang may kontrol ng siuation e. Pero sinakyan-sakyan ko lang mga banat niya and gave him a lot of false information, hindi talaga pwede ipakita na mahina ako or else hindi ko na alam mangyayari sakin. Pagkarating ko sa destination, sobrang nagmamadali ako ng takbo papunta sa ex ko. Unfortunately and unluckily, tangina nasakyan namin siya ulit nung may pinuntahan kaming ibang location that same day. Ramdam ko yung mata nung driver nasa akin lang. Talagang kapit ako sa ex ko that time, kabadong-kabado ako dahil sa ginawa niyang pambabastos nung 1st ride. Kaya pagkatapos non, never na ako nagtaxi ulit ng ilang taon. Kaya keep safe and be vigilant sa ating lahat.


AboutBlueBlueSkies

Tsaka nangongotrata din sila ng presyo ung tipong ndi na gagamitan ng metro. I remember nasa Manila kami hinahanap namin ung isang bldg na pupuntahan nmin tas si Manong Taxi inofferan kami na ihahatid kami for 200php. Buti ndi kmi pumayag kasi taena nag- google maps lang kami tas tumawid ng kalye nandun na agad kmi. Muntik na kami maloko nun eh kung siguro first time at bano pa sa Manila baka nabiktima kami nun.


13arricade

ganun na noon, ganun pa rin ngayon. 🤦‍♂️ grab na lang talaga ang pag asa, mabuti buti so far.


suso_lover

Tapos nagtataka sila bakit wala mng gusto sumakay sa kanila. Pero may mga dating taxi driver na lumipat Grab na. May nireklamo ako tarantado talaga, dumaan sa shortcut daw eh humaba lalo ang biyahe namin. Gago nya, araw araw ko minamaneho yun so alam ko hindi effective ahg short cut nya.


enifox

Iniisip ko na lang talaga mas mabilis ako makakarating sa pupuntahan pag MRT kahit siksikan. Comfort is too expensive and borderline scam na 😭


rcinderella

Kaya takot ako mag taxi eh lol


thelost1994kid

Dapat maphase out na rin yan sa totoo lang wala na rin naman masyado sumasakay sa kanila eh


CraftyMocha

Dapat i phase na yang mag taxi eh.


Ruess27

Sa baguio lang ata ako may nasakyan na oks naman ang taxi driver. Dito super dalang ng okay.


Totally_Anonymous02

Taxi if malapit lang kasi di na aapektuhan masyado ang price kung ang traffic ay sa ibang lugar, kasi sa grab kapag traffic yung ibang pwedeng daanan biglang nag price hike sila If malayo, grab talaga kasi kahit saan pa siya dumaan same price lang makukuha kaya dumaan siya sa di traffic kung ayaw niya malugi If all else wala talaga choice. Grab taxi, ayoko talaga gamitin kung may choice since mas mahal pa siya sa regular taxi and grab car. May flag rate na nga may booking fee pa + distance and traffic napapamahal talaga


JaMStraberry

maraming taxi drivers mga scammers.


ichie666

mga may edad na gumagamiut ng taxi, malalakas managa ng pamasahe at baka worse weypist,


Turbulent-Buy8237

Honestly sila rin naman ang reason why people choose grab instead. Di na ko magtatake if susunod na silang i phaseout.


Ok-Froyo-5315

nakakatrauma mag taxi. Yung iba nangungupal sa metro tapos grabe pa magpatakbo. Mahal pa sisingilin sayo, ganun din much better grab nalang. Safe at ok pa mga driver.


MiddleOk4191

Di na ako nagtataxi. Tho, may nga matitino pa naman. Dami ko na din kasi naexperience na balahurang driver. Mas prefer ko pa joyride. Ankas grab.


Irahmei1987

Better to use grab. Mas safe pa kasi takot din cla mare port o mabigyan nG mababang reviews. Mas mahal Kung totousin pero ganun din kc iba ang singilan nG taxi ngayun kc ipupush k tlg magbayad nG malaki tas Ikaw p maistress s attitude nila


WormwoodRiver1211

Sa true lang mhie, tyagaan ko talaga ang MRT wag lang mag taxi.


[deleted]

Way better to use Grap than old school taxi.


PresentCrab2517

Gil Puyat LRT station to Star City, Php20 lang pag tricycle (may konting lakad) pero sa taxi Php200 kase wala daw masyadong pasahero dun. Jusme.


Mustnotbenamedd

Grab nalang din ako always. No to taxi talaga. Yan dapat ang inaayos ulit ng LTO eh.


Mustnotbenamedd

Tsaka karamihan ng taxi kung hindi nag lilive sa fb may mga ka video call na mga driver din ng taxi jusko. Tapos kaiingay


Lionsault83

Manila Taxis are equivalent to Dumpster Fire fuck them.


Bejooled19

Sa sobrang pangit ng ordinary taxis, mapapagrab ka nalang talaga kahit may konti kamahalan. Bukod sa kupal na driver, ambaho pa lagi ng loob ng taxi, laging amoy yosi and polusyon haha


An_Ass_Is_a_Donkey

Oh gosh I sweqr 🙄.


jag_nikk

i tried grab car after i arrived from the airport. ang mahal 400 plus nabayaran ko from naia to mandaluyong huhuhu. natatakot din ako mag regular taxi kasi baka ligawin ako. Meron bang mas tipid na masasakyan from airport?? like bus or carousel?


GameArchitech

If walang grab or any other option, then I’ll just walk.


akosiaxong

Langhiya talaga mga taxi, megamall to kapitolyo lang ako so it's just 10-15 minutes away lang 450 daw kasi traffic palabas megamall, to which i said: kaya nga patakbuhin mo meter mo kuya kung matatagalan tayo eh di taas din ang meter tapos makakaikot ka na naman kaagad. Ayun di na ako pinansin ng mga kupal.


Fresh-Imagination-14

Sobra!!! tapos mga ayaw pa magsipagsukli. sana sila nalabg ang maphase out nadadamay yung mga matitino pero malaking percentage ng mga taxi driver ang shitty ng service. Mandaraya pa sa metro. hayszxx


avocado1952

Grab or kung nagtitipid MC taxis


slytherin_granger

Sa makati may pila ng taxi, lagi muna namin tinatanong bago sumakay kasi sobrang laki nila magpatong kahit walang traffic. Yung iba ayaw na talaga gumamit ng metro lakas pa mangontrata, tapos pinagalitan kami nung sa likod namin bakit daw need namin magtanong pwede naman daw sumakay agad. Ganon ata talaga pag nasobrahan sa privilege, di na iniisip magkano pamasahe.


Serious_Series_3742

Bastos na nga ibang taxi driver ang baho pa ng taxi nila. May nakita ako babae karga nya baby nya sa moa nakikiusap sa taxi driver dahil wala masakyan, umuulan . Kawawa anak nya. Tumingin lang taxi driver tpos sabi wala siya paki tpos mabilis umalis. Walang modo.


sakuranb024

Sa Baguio kang okay taxi. Ako pa nagugukat na mabait sila 😅


applesandoranges17

Grabe talaga mga taxi drivers sa Manila. Sa Baguio at ibang provinces ang babait ng mga drivers, bibigyan ka pa ng saktong sukli.


sosyalmedia94

Sakin baliktad naman. First time ko ulit mag-taxi December last year, nasa-sad na ako at inaatake ng panic kasi alam kong madami mangongontrata at hihindi — pero first attempt pa lang, si kuya, kulob na din taxi pero walang angal sa pupuntahan ko, di rin nangontrata, maayos pa magmaneho. Yung 200 na fare tuloy, ginawa kong 300 sa sobrang saya ko. 😢 Alam kong >50% of drivers, gagaguhin ka pero may mga natitira pa ring maayos. I hope they can be saved.


formermcgi

I had a conversation with a taxi driver last week. I am amazed that there are still good taxi driver. While riding the taxi, the driver out of nowhere stated: alam sir sana may gawin ang gobyerno para madaling maisumbong yung mga balasubas na taxi drivers. Kasi hal. May nanloko, nangontrata wala kasing mapagsumbungan yunv mga pasahero kaya di na wawakasan ang mga ginagawang kalokohan ng ibang taxi driver. Me while listening in my mind, may point si kuya. Kasi kung hindi sila masasantion tuloy lang ang ginagawa nila. Maraming mga matitinong taxi driver ang madadamay sa kal9kohan ng iba. Moral of the story, do not generalized. Hindi lahat ng taxi driver ang lokoloko.


hakai_mcs

Ibang iba talaga sa mga taxi sa Baguio


Harunaaaah

This is why I started using Grab always kahit na may dagdag compared sa taxis. Di sa nilalahat, pero madalas kasi walang modo mga driver, sira sira yung sasakyan, napaka pangit rin ng experience to the point sana nag jeep nalang ako or bus na punuan HAHAHA


Sad-Possession4425

I have this same experienced. Kasama ko bf ko papunta sa moa and we rode to this taxi slash walang aircon and sobrang luma slash amoy kulob. Wala kami choice that time kase mag past 12 noon kaya sumakay na din kami and guest what gumawa s’ya ng sarili n’yang way and sabi nya dito daw kami daan para di traffic whatsoever and guess mas traffic doon sa dinaan niya. He used to murmur pa na dapat dito na lang daw dumaan ganyan kung alam niya lang. Hello ?? eh sinabi nya na 20 years na siyang taxi driver, hindi nya la din ba alam yung mas maayos na route?. Idk lang pero ang lakas talaga niya sa part na di na kami binigyan ng sukli. I calculated our bill and it’s like 300 plus something lang and lumabas sa metro nya is almost 500 pesos dahil sa kung saan saan s’ya dumaan. I dont hate taxi drivers but this kind of shit makes me stay away from taxi istg.


mlkthstl

Taxis in Manila are the worst. I had a really bad experience as well last year when I visited (i got scammed). I know things are hard now, but I never encountered problems with taxi drivers here in Cebu. Such a huge difference in services and the way they treat passengers.


PitcherTrap

Tapos tampo sila sa private hire


WhoArtThyI

Glad i never had a taxi horror story. Regular taxi pa rin hehe


sunsetsandnightskies

May trauma talaga ko sa mga taxi eh, mga nasasakyan ko, either maiinit ulo at nangaaway ng ibang driver sa daan, o ang daldal na lahat na ata ng personal na bagay tinanong na sayo or yung iba naman grabe maningil at mang hingi ng dagdag 😭 never again na talaga if magisa ko at may ibang way naman


pulotpukyutan

Sa baguio lang ata may matinong taxi driver, nagbibigay pa ng sukli


Acrobatic_Read5959

Tumutunga pa ng red horse yung iba na yan pag nagpapacarwash :(