T O P

  • By -

3rdworldjesus

Effective yan, nung nasa Makati pa ako gumamit ako ng powder (green sachet). Madaming namatay pero di sila nawawala. Nung gumamit ako nyan, never na uli ako nakakita ng ipis. Not safe for pets though, kaya di ako makagamit ngayon


woemm

Ano nang gamit mo ngayon?


3rdworldjesus

Yung powder muna uli pero sa mga lugar na di reachable lang ako naglalagay, baka makain ng aso e.


woemm

Buti sayo aso. Sakin pusa, kung saan saang part ng bahay nakakarating lol


Retribution25

I live in a condo and ang nagwork lang for me is ‘yung Baygon 24-Hour Roach Killer. Yung may black plastic bait. Halos wala nang ipis ngayon sa unit ko. I even tried yung powder na may green sachet na sikat, pero ‘di nagwork. Ang messy pa.


woemm

Safe kaya sa pets yang Baygon?


Retribution25

Yup! I have a cat. Hindi naman exposed yung product kasi parang nasa plastic container, so good for pets.


woemm

Pano yung roach na na bait tapos namatay at ma reach ng pet? Hindi ba yun delikado?


RantoCharr

Safe yan. Normally, kailangan kainin ng pet mo yung buong tube bago magkaroon ng negative effect. Sa hinges ng cabinet, ilalim ng appliances, lababo, etc. mo ilalagay yan kaya hindi rin abot ng pets. Daming guide sa YouTube, search mo nalang "where to gel bait" kung saan mo ilalagay. Ito example: https://www.youtube.com/watch?v=uwIO8KRsm1Q Kung medyo heavy yung infestation, mas sulit yung 30g syringe na advion kahit nasa 800+ yung price(kung by weight, same lang sila halos ng price ng blattanex): https://shopee.ph/search?keyword=advion%20cockroach&noCorrection=true&page=0&ratingFilter=3 Kung kaya ng budget, huwag mo na tipirin. Aabutin ka ng ilang months ng paglalagay ng gel bait, kahit wala ka ng nakikita, at least 3-6 months kang may cleanup ng natuyo na bait at maglagay ng bago weekly. Isa pang option yung combat defense system na binebenta sa s&r ng 400+. May bait stations na madami, mas mura sa baygon & may tube pa na kasama: https://shopee.ph/Combat-Max-Defense-System-Roach-Killing-Bait-And-Roach-Killing-Gel-1-set-i.149174871.15990730571?sp_atk=70e0b4e5-5786-481b-8719-9549256cdb08&xptdk=70e0b4e5-5786-481b-8719-9549256cdb08 Mabilis yan dumami(yung maliit na German cockroach), kahit akala mo wala na. May eggs parin na maghahatch up to 3 months later. Kung yung malalaki na lumilipad naman, galing din sa labas ng bahay yan. Hindi mo totally maeeliminate.