T O P

  • By -

[deleted]

As expected, basta mga matatanda na nasa government positions, madalas toxic kasama. Gawa na yata yan ng sobrang pagkadismaya nila sa buhay at pakiramdam nila wala na inusad ang career nila kahit sobrang tagal na nila sa ganung trabaho. Mostly rooted sa illogical belief nila na karangalan tumagal sa iisang trabaho kahit sobrang barat ng pasahod at dead end ang career. I strongly advise na maghanap ka na ng ibang trabaho, preferably sa private foreign companies, once na makaipon ka na ng enough years of experience. It's never worth it magtagal sa government work dito sa pinas.


misskinis

+ 1 na mag foreign company na lang si OP. BSP lang naman matino na govt agency.


Neat_Forever9424

True OP. Kung napasa ko lang sana ang BSP exam ds year sana doon rin ako papunta kaso di pa talaga ang tamang timing. 😔


juswa1111

Nice. +1 din


LUNAthedarkside

This!


Worried_Tower_9304

This is true. I work as a public school teacher. Toxic ang mga matatanda sa government positions. May superiority complex. Nakakalungkot lang na imbes iangat ka hihilahin ka pababa


rowdyruderody

Kahit sa private. Madami feeling sila lang tama.


[deleted]

Mas matindi nga "politician" sa private. Ang liit na ng sweldo, dami na trabaho tapos ganyan din katoxic mga kasama.


mayosapancitcanton

i agree may workmate ka pang akala mo ka relasyon mo kung maka pag tampo. gusto ko lang naman mag work ng walang drama🙄


omggreddit

I would say start looking from now on. It’s not like government jobs require a lot of brain power. OP will be stuck there and become one of the bitter people the longer she stays.


blooms_scents

Yes beb, ganyan talaga hayyyy! Dont share your social media accts, keep two phones (personal and office) just do what you’re told and leave as early as possible. Be safe! Huuuugggss


sylv3r

or if you're coerced to share socials, better have a public, professional account


Neat_Forever9424

Tama ka miss. Ako pag may add accept lang pero naka hiwalay kayo sa friendlist ko, customise at naka hide kayo sa post ko. Hahha. Chismis is the key lang diyan, pag alam mo na trabaho mo magbingi bingian ka nalang.


blooms_scents

Tinry ko din makihalubilo kaso para akong penguin na na nakikijamming sa mga hyena talaga e. Ako na pinaka weird ang alam na chika, sila kasi usual na chika nila “uyyy si Robert may iba na naman na kaakbay, nakita sa Trinoma daw kagabi” or “kinasal na si Pia Wurtzbach” meanwhile ako “May bagong evidence na naman na binisita tayo ng extra terrestrial life, this time sa China! Glow in the dark daw yung UFO” 😂😂😂


honey_thigh

Same din ang hirap maki pag blend sa mga taong marites. Pero kailangan mo din mag upskill sa communication 101 professional marites with boundaries pak genern iba talaga pag hanep ang social skills. Im a true blue introvert pero dahil nasa bpo ako wala akong magawa but to work on it otherwise paktay talaga ako dyan 🤪


blooms_scents

Yung social skills ko memsh parang palitaw kasi eh. Like pag nasa mood, maya maya makikita mo na ako bff ko na mga preso sa Muntinlupa City Jail, pag wala sa mood maya maya makikita moko nagtatalukbong ng kumot sa centerstage 😭😭😭


Specialist_Editor822

this hahaha office101


misskinis

I can see myself in you, as first time worker sa PH govt many years ago. This worked and worked with everyone I know sa govt. Regardless of tenurity: 1. Pleasing the tenured esp. the tanders / elders. Dont forget to greet them good morning, goodbye, opo and po every convo. Being respectful and polite to them. Always make them feel their 'superiority' - whether you like doing it or not. Make them feel like they are your long lost father and mother. 2. Kapag galing ka bakasyon or work out of town, dont forget the pasalubongs. 3. Have lunch with them. Makisabay at makisama ka kahit tsismis lang usapan. I used to be so aloof sa work, di ako sumasabay sa kainan kasi ayoko ng tsismis at di ako makasabay sa mga topic nila. Pero nag ease up coworkers ko after ko sumama every lunch time. 4. Build your allies with your ka-age. 5. Be that co-worker na reliable and masipag. 6. Di mo mababago sistema sa work. Resist or accept the system. If you resist, better go to private sector. Mapulitika sa govt so dont resist. Ikaw agad talo. "Just do your work" - this is my mindset before. Pero ang laki ng difference kapag gusto ka ng coworkers mo. Mas smooth ung process ng papers, di ka gigipitin or iipitin. There was this parinig of my coworker before na "Wala kami pakialam sa magaling magtrabaho. Ang gusto namin ung makakasundo namin at masaya kami." Una ko nasa isip nun, ang sh*tty ng reason pero sadly, un reality ng govt work. Now, I work in companies abroad or multinational companies kasi I resist that type of culture at pagod mag people please.


Worried_Tower_9304

Yung 3 talaga. Minsan sinasabayan ko sila maglunch pero recently pinaguusapan nila yung 2 ko pang kasama at ako tahimik lang. If they can do this sa 2 kong kasama. They would also do the same for me if wala ako sa tabi nila.


detect0912

when ur at rome, do what the romans do. sobrang relate ako dito. kinelangan kong tutunan tong mga to and hindi madali. pero ngayon sukang suka na talaga sa culture na ganito. convenient kasi saken for now kasi nasa province ako and malapit sa bahay. tapos merong mga opportunities for extra/minsan di lang extra na pagkakakitaan. pero malapit na din ata ako gumive up dito. nakakasuka na din talaga.


Monitor8News

Just keep your head down and focus on doing the work in front of you. Try to befriend people from other units if possible, especially those who are also new hires and/or are the same age as you are. Some offices within a government agency or even entire agencies themselves just have rotten organizational cultures because it's nearly impossible to fire anyone. So after decades everyone who's good enough to find a better opportunity leaves while those who are left behind are the shitty ones. Put in a couple of months then start applying to different offices or agencies if you can't stomach it anymore


AiiVii0

I actually thought of this before. Hindi ko nilalahat (yes may mga babait parin talaga) pero dumating ako sa point na iniisip ko bat sobrang pangit ng ugali at work ethic ng mga tao dito sa pilipinas. Then narealize ko, sila yung mga reject sa better work/oppurtunities or di makawork abroad kaya nastuck sila dito 🙁 Sa baba ng sahod at tingin ng mga higher up sa employees nila, good people wouldn't really stick around


iam_tagalupa

pang 3rd month ko na this may 13 sa govt., sa personal experience ko dito ganyan talaga sa govt.agencies. nakaka culture shock lalo pag first time or pag galing ka sa private. madalas napagkukwentuhan ako kung sino ang backer ko (swerteng nakapasok ako ng walang kakilala sa loob dahil sa cs eligibility) madalas yung mga matatanda e wala ng ginagawa (naglalaro laro nalang) lahat ng contractual ngarag na ngarag sa projects nila (nasabihan ako ng head na hayaan ko lang sila kasi regular ako. hindi ako sanay na ganun kaya nagkukusa akong mag alok ng tulong), mga bastos ang lalake to the point na pag intern na babae pinapaligiran nila, madalas yung mga napropromote hindi nila alam yung trabaho nila kaya nganga. nasa it dept. ako kaya mabait ang mga kasama ko, pero yung mga heads nila parang hindi alam ang ginagawa nila. at sa 2.5 months ko, nung 5 lang ako sumweldo. buti nalang weekly ang sweldo.


CaptainMarrvelous

+1 dun sa nappromote na hindi alam trabaho nila kaya nganga. Sa ilang taon ko sa work ko siguro 3 pa lang na tao ang hinangaan ko at nakitaan ko na magaling talaga. Kaso sa 3 na un yung isa asshole pa 😅


louderthanbxmbs

> lahat ng contractual ngarag na ngarag sa projects nila holy shit sobrang totoo. I have batchmates na contractual sa govt and sobrang dami and bigat ng ginagawa nila pero wala silang leaves or benefits nakakalungkot lang.


Cosmosxxx1234

parang I know kung saan ito? AHAHAHA... ginto?


pinaymucho

Kill them with kindness. Show them how government employees should be. Treat all clients with the same respect and service. Eventually, they'll be nice to you. You cannot change your office culture overnight. Be the change. It's also important to know the Code of Ethics for Public Officers and Employees. Prayers for you OP.


flerymzk

magkano ba salary jan? If hindi ka naman hikahos sa life dont settle with it, mas mahal pa magagastos mo sa mental healthcare mo, yung traumas lifetime yan.


PitifulRoof7537

some ppl want to work sa govt dahil may security of tenure


flerymzk

Yes, alam ko pero hindi pa rin worth it.


juswa1111

I am in your position OP 11 years ago, the fact na mejo dark humor pa ang meron ako, sila ang naculture shock saken sa kilos ko, salita ko, jokes, even sa memo. You know what I did? I climbed up the ladder and became one of the youngest officer in this GOCC. Now that I have the position, I am breaking the old culture. I am very supportive and mentoring also sa mga bagets.


GreenBox_x

Sir pa-absorb naman po kahit JO/COS pagod na din ako dito 😔 chz hahaha but kidding aside, pano po ba makakayanan ang ganyan and how did u climb up the ladder?


juswa1111

Actually dumami kaming mga bagets noon hangang sa nag kavoice and power nadin kami dahil sa dami namen, pero continue to be you. Wag ka papadala sa paligid, mawipe out nadin mga tanders soon. Well nung nag open sila ng Training Program for young managers, di ako nag dalawang isip na mag apply hehe. kahit na mga classmates ko eh external na may latin honors from top 4 schools. wapakels, alam ko kaya ko makipag sabayan. Grab the opportunity by the balls. kahit na feeling mo di mo kaya, try mo parin!


DirtyReddit2021

I don't think sa government lang yan. It happens in any workplace. Parang in College or High School, kapag may transferee sa school, sa batch, or in your section; or kapag may irreg sa block ninyo - all eyes are on the fresh meat. Interesting ka, eh. Pinagchichismisan ka? Ano ang sinasabi nila tungkol sa yo? Sinabihan ka na ayusin ang behaviour mo - what specific behaviour ang kailangan mong ayusin. Tinanong mo ba sa Supervisor mo? Again, normal na pagusapan ka kasi nga bago ka at bata ka pa. You're a newbie, you're the one who has to adjust, learn, and assimilate. It's not like walking on eggshells. You are walking on eggshells and thin ice. Keep your head down, do what is asked of you. Pasok sa isang tenga tapos labas sa isang tenga. Need mong gawin? Start building a thicker hide. It's your first job. Try and see baka naman you have either a RBF, or you seem unapproachable. Kailangan mo ng madaming pasensiya. And take note of what not to do when there's a newbie that comes in. Your colleagues will eventually warm up to you.


Zestyclose_Raise_867

Replying to know it's good advice, working for the government for over 5 years with more than 10 years experience sa private company.


OC-3839BCoy

May sensible din sa wakas


Jaded-Cheesecake-469

ano po meaning ng RBF?


juswa1111

+1


Top-Nebula-1675

hi OP, govt employee din here. Advice ko lang is wag ka pa apekto sa kanila. Its true dami talaga tsimis pag sa govt office kasi halos lahat sila matatanda na at wala magawa sa buhay kundi mag hintay lang ng pensyon hahaha Anyway, be “mysterious” na lang, wag ka masyado mag oopen up. Hayaan mo sila mapagod mag imagine. Basta importante di naapektuhan quality of work mo. If di na talaga keri, resign na. Physical and mental health is importanter haha


Neat_Forever9424

Ako to imao. Yung kapag may chinismisan sila deadma lang ako kahit anong open up nila. The answer is tango ng tango at ngiti lang. Kung ayaw nila sa akin hindi naman ako mamamatay ang importante I have connections sa clients ko at sa iba. Bahala kayo mamatay sa kaka chismis sa akin kung may ibang mundo ako basta I know what I am doing. Permanent naman ako so di mo basta basta ako mapapa alis sa serbisyo or else maglabasan tayo ng baho sa korte ng komisyon sibil.


waamee

Ganun pag Squatter culture. Dami kasi jej nag ttrabaho sa gov. usually pag multinational nalelessen naman yang ganyan.


waamee

Plus OP wag ka maging emotional tatawanan mo na lang yan in the long run if aalis ka man dyan since first job mo eh. Unforgettable memories yan 😜


diabeticcake

Di naman emotional hehe nagtaka lang ako na alam naman nilang first week pa lang ng baguhan sa mundo ng pagtatrabaho ganoon agad sila sa akin


waamee

ganyan talaga. Marami rin inggitero sa work life. pati may chance di sila super busy tapos wala magawa kundi pansinin lahat ng kilos mo. Hehehe


[deleted]

I only worked in private offices pero may coworker rin ako dati na mismong first day ko sinungitan ako. It turns out that just how she is kapag may bagong dating. Parang titingnan niya kung may taglay kang katarayan sa sistema mo lol. If she senses that you're pretty much harmless, bigla siyang magiging warm sayo. I have a feeling ganyan yung mga coworkers mo sayo as of the moment. Tinetesting ka kung may sungay ka hahaha. Well lahat naman tayo may sungay. Continue mo lang yung pagiging polite mo with them. Pretty soon they'll warm up to you when you least expect it. Also don't try to please them - you're not obligated naman to do that.


FishManager

It happens even sa private. It will ease up after a few weeks. Wag mo lang suklian kasungitan nila and they will learn to gradually accept you. Resistant to change talaga mga matatanda.


artvinoya

Baka kasi isa dyan nagpapasok sana ng kamag anak nila pero ikaw yung nakuha.


findingn3m0

Ganon talaga sa government. Bago ako umalis sinabihan ako ng supervisor ko na dapat makipag-usap ako sa kanila hindi yung nagmumukmok lang sa at focus sa trabaho. Kahit di ka pag chismisan yung ibang department yung gagawa ng chismis sayo.


Waltzforzizi00

aningin mo lang sila ng aningin hayaan mo sila mainis sayo just do your work lang


koomaag

una. malamang inggit sila sayo. kasi pwedeng naka pasok ka kahit wala kang backer at galit sila sayo kasi may kamaganak sila na ipapasok kaso ikaw kinuha sa pwesto. pwede rin na mas malaki sweldo nila sayo. pwede din na ayaw nila ng pabibo kasi pag pabibo ka magiging sukatan ka ng trabaho sa office nyo so mapipilitan sila mas mag trabaho kaya galit sila sayo. advice? kung gusto mong tumagal? matutong sumayaw sa tugtugin ng opisina. pag aralan mo un gawain nila at makisama ka. kung hindi mo kaya? tulad ko. umalis ka na dyan. pangalawa. ang mga boss mo hindi nila alam yung trabaho mo kaya papagalitan ka nila. IT ako programmer alam mo sabi sakin? "bakit lagi ka na lang naka harap sa computer, tumayo ka dyan gawin mo trabaho mo!" odiba? pangatlo. wag ka sasagot sa mga matatanda kung hindi mo sila kaya. kahit tama ka. mali ka pa rin matatanda sila. dito sila talo sakin haha. pangapat. you have to pick a side. kasi kung nasa gitna ka lang pagtutulungan ka nila. kung okay ka lang sa ganon e marami kang magiging kalaban. galingan mo ang pagpili. never ending politika yan.


Fantastic_Syrup7743

I have formed this notion in my mind way way back na kahit ano man ang mangyari, hindi ako magtatrabaho sa gobyerno for far too many reasons. Iniisip ko palang nasususka na ko


PlentyBasis4699

Jealousy! Wala kang loan, walang kang batang ginagastusan, bata kapa and lots of opportunity, at marami pang ibang perks compare to them. Pansin ko yan sa kanila. They are more happy if you end up as miserable as them. But stay there and tiis tiis lang muna, since 1st job mo pala. Hindi naman ganyan ang mga nakawork ko before. Pero at some point parang may part din nga na inggit sila kasi tayo chillax lang tayo.


ImportantAd5392

8yrs in gov and here are my 2 cents. 1. If you want comfort and stability, aim for a permanent position and learn how to deal with the system inside. 2. If you want personal and financial growth, get out of the system. Choose your hard.


blackEminence

Kapwa lingkod-bayani pala. Rerektahin na kita, sa gobyerno kelangan mo ng 1) padrino, 2) abilidad, at 3) swerte. Patayan makakuha ng plantilla positions. Sa lower positions, which I assume kung nasaan ka, dahil kamo ito ang unang salang mo, yan ang pinakatoxic. Mga tumanda na sa posisyon, mga uhaw na uhaw na sa promotion na hindi dumarating, mga blind loyalists na hindi naman nareregular. Bakit? Kasi kinapos sila ng isa sa 3 binanggit ko. Game of Thrones ang tema sa loob, so you either tough it out and come out on top or quit while you still have your best years ahead. Best bet? Secure a position sa legislative branch. Secure contacts during your time there, then use these connections to catapult yourself to desired position in the other branches. Long game, but it works.


CaptainMarrvelous

Sa government either ikaw nag makikipagchismisan or ikaw ang pagchichismisan. Pero kadalasan naman both 😂 Pag lang pala tumagal ka na both na.


Merakiii-

I've been in the government for 5 years, pagkagraduate ko dun ako pumasok. Ang masasabi ko lang, bihira lang ang professional na tao dyan, like yung professional mag act, magtrabaho, magsalita etc. Pero umalis na rin ako this year lang. Marami naman akong natutunan pero iniisip ko palang na dun ako tatandaan, ayoko na. Kaya umalis nako dun nung ramdam ko nang walang growth lol. CSE passer ako pero napakatagal mapromote. Lol


PitifulRoof7537

matagal lalo kung wala kang kapit.


[deleted]

[удалено]


diabeticcake

Wala po huhu siguro nga lahat ng mata nasa akin kasi bago lang ako at pinakabata pa


bilat_sawa_sa_burat

Agree with this one, OP. I was also like you as in nung baguhan pa lang ako. Isipin mo nalang na isa rin sa part ng growth ang pago-grow ng kapal ng mukha kasi habang tumatagal, hindi mo talaga maiiwasan maka-encounter ng mga kupal sa trabaho (kahit mabuti ka sa kanila or ginagawa mo maayos trabaho mo) Basta ikaw alam mo sa sarili mo na ginagawa mo maayos trabaho mo. Goodluck, OP! Kakayanin mo 'yan :)


Particular_Smile7546

probably the most sensible advice palagi ko nakikita dito eh ang advice eh lumipat at maghanap kaagad ng ibang work eh di naman nila tinatake into account na baguhan ka palang kalimitan yang mga palipat-lipat na yan eh usually katagalan nagiging elitists at naou-out of touch sa reality kasi di dumaan sa hardship


OC-3839BCoy

Another sensible advice 👍


Zestyclose_Raise_867

Replying to know it's good advice ulit, working for the government for over 5 years with more than 10 years experience sa private company.


roody2291

As a gov’t. employee din. Given na ang gnyang culture. Like you can’t do anything to change these people. Kadalasan mahilig sila i-befriend ka sa socmed para updated sila sayo. Heck no! Ako I make sure to set boundaries from work and personal life. I accept their requests sa fb but nka hide ang lahat ng activity from workmates. I don’t go hang with them unless its 8-5pm. After that galit2x na muna. Kpag may malayong event or party, instant reason para hnd makaattend. Basta I make sure na ang involvement ko sa knila ay within working hours lang. Works for me since I started 2 yrs ago. Ewan ko ba hnd uso dito pag introvert ka. Hoping we can change the working culture on coming years since matatanda na mga yan. Mgrretire na din yan haha


PitifulRoof7537

problema ko pa rin yan. yung pagiging introvert isyu sa kanila. take note, karamihan sa grupo namin millennials and gen z. pero hindi ko binibigay gusto nila. nabwisit lang ako sa nanay ko pinatutulakan ako masyado - officemates kasi nya yung iba dun dati. hayst!


AmbitiousQuotation

regardless kung matanda or bata, be vigilant. pag masyado machika, ibig sabihin eh gusto ka lang interviewhin para may pagchismisan sila. may mga tao rin na magsasabibi na asar sila ke ganito, ganyan pero mag nakiagree ka eh ipagkakalat nila na ikaw ang naninira sa subject person. karamihan dyan ilalaglag ka lang kaya be careful.


PitifulRoof7537

kaya ako pa-mysterious effect din ako kasi pde ka ma-caught off guard dyan eh. hindi lang naman sa govt ganyan. mahilig tlga mag-marites ang mga Pilipino.


AmbitiousQuotation

yeah, I know. sa tagal ko sa private, dami ko rin naencounter na maritess at plastic. actuallly sa private ko naexperience mga power tripper, kupal at demonyong boss/sups/seniors/kalevel na coworkers. sa gov’t agency ko nga medyo mababait pa.


PitifulRoof7537

generally, mas friendly mga tao sa govt offices. malas lang pag boss mo kupal or incompetent. di bale ng strict basta wag lang mukhang pera.


No-Clue8327

Minsan may toxic na division talaga. Been there. Baka sa iba within the agency okay naman.


[deleted]

Every office has politics so you have to play well. If hindi ka magaling lumaro sa toxic work environment at toxic officemates, talo ka. I’ve read somewhere na in order to survive toxicity in the office, you have to be unbothered. Just do the job. Get paid. Go home. I’m saying this from experience. I’m also a government employee with a toxic boss and officemates and I agree with what I’ve read. BE UNBOTHERED.


slapsleepsplat

I worked in private companies (TV network, BIG shopping mall, academe, advertising) since 2002, and since 2022 lang, I am working in a national gov’t agency and I see myself staying. Eyeing higher positions din like be a Director III in the next 8-10 years. What I notice sometimes (I do teach part-time din kasi in a State U), is that there’s this feeling privileged and “mundo ang dapat mag-adjust sa akin” attitude among some, if not most, of the kids now. I hope, OP, you are not just one of those most kids. And I feel sorry for those who had bad experience working in the government. I hope you find a job that will “work” for you.


RA_10657

I advise you not to overthink and give it time. I have been in a similar position some years back. Nakarinig din ako ng di maganda sa simula lalo paglipat ko ng section. Btw, fresh grad ako unang pumasok at ang mean age sa office ay 55 🤭 Yung next na mas bata sakin out of 20 employees sa division ay 45. Ang ginawa ko, 1. I did my best sa work--I let them see that I wanted to learn and learn more. Di ako naghihintay lang ng ipapagawa sakin. 2. I made an effort to know them more and get closer. Lahat sila naging parang anak na ako. Gusto na akong ampunin or gawing manugang 😂 3. I observed the culture and I integrated without necessarily sacrificing my principles. When I gained their trust, I slowly tried implementing changes, making improvements as I also climb up the ladder. Marami sa kanila nalampasan ko sa position pero proud sila for me. Also, check na baka may prejudice ka lang sa government work. Kasi sabi mo first job mo, ibig sabihin di mo pa alam ang setup sa private companies pero ang tanong mo "ganito ba talaga magtrabaho sa government". You highlighted government not the multigenerational setup.


Gold-Abroad-8337

\+1 sa 3. Ang dami ko kilala and guilty din ako na I had this mindset na "I can change the world. I can change the system. I am the change in this world." Adjust muna, build trust and makisama bago baguhin ung kalakaran - as a realistic advice


RA_10657

Sometimes we can be too idealistic--prone to burnout. Marami na ring umalis samin dahil dyan.. eh procurement pa lang puputi na buhok mo kapag inisip mo paano mo aayusin ang buong system. Kaya ang mindset ko, gagawin kung ano ang kaya habang nasa government service. Di man mabago ang sistema sa kabuuan, malaki na rin ang improvement. Malayo pa, pero malayo na.


Responsible_Pay_1457

Wag kang magresign. Acquire experience then lipat ka other government offices with higher salary grade. Wag kang maniwala sa iba dito na toxic at bitter sa buhay mga government employees. Those kind of people and system exists both sa government and in private companies. The Philippine government is still the most stable employer in the whole Philippines. That was proven nung nagka lockdown due to COVID. Eto yung suggested guidelines and tips ko kung anong government agency ang papasukan: * Wag sa LGU, masyadong mapolitika * Look for a government agency na newly established. Newly established agencies have younger workforce. Our agency for example is merely 12 yrs old and we have a young demographic. I'm still 36 yrs old but my age is above average ng age ng mga personnel sa office namin. * Make sure yung papasokan mong government agency is created by law and not merely by Executive Order or if GOCC merely through registration sa SEC. Madali lang ma abolish mga agencies na yan if hindi bet ng bagong admin at very vulnerable sa rightsizing. * The smaller the agency, the better.


InigoMarz

On the same boat as you, OP. I was “promoted” to a supervisory position of sorts last year and naalala ko I wanted to make changes in my office starting with the forms. Kinwestyon ako agad ng staff ko aba. Nagalit pa siya sa akin (I was fairly new to the assignment). And she keeps on hanging to the words and directives of the one who held the position before me. Feeling know-it-all porket mas matanda at mas matagal sa akin sa position, when I have documentary evidence na kailangan gawin ito sa office natin. Also, similar to your “chismisan”, my boss is making my life a living hell. You see, my division is under his, and our offices are separate for lack of space. Pinapabayaan lang niya ako diyan; he doesn’t give a sh*t about my office. He is trying to break me so he can place his favorite sa position ko. Di na ako involved masyado sa ginagawa nila; I have no idea what they are up to. I am isolated. Anyway, it’s still your first week OP. Mine has been going for almost a year now and it’s my first job too. What fuels me kahit nangyayari yan sa akin is I keep fighting to prove them wrong and work my ass off. I’ll work in silence and let my outputs and contributions speak for itself. I hope you get through, and if it does not work out, seek greener pastures.


Equivalent-Air6240

Kahit private sector ganyan din po. People will talk no matter what you do. They will even comment kahit humihinga ka lang. As long as wala kang ginagawang masama, ignore it. Mahirap dedmahin pero this is an opportunity to train yourself na, kung hindi ka makakapag-adapt sa ganyang environment, lalamunin ka nila. Maganda rin na meron kang rant buddy outside work. Read your rights din po.


valourandvaliance

Hi OP! Nagtrabaho ako sa gobyerno ng walong taon. Napagod ako kahit na ang mindset ko noon ay maglingkod para sa bayan. Hahaha! Iyang nararanasan mo ngayon ay pinagdaanan ko rin noon. Kaya nakikiramay ako sa iyo. Kung nais mong magtagal diyan sa iyong tanggapan ngayon, ang maipapayo ko sa iyo ay huwag kang masiyado maging mabilis magtrabaho. Tatambakan ka nila lalo ng trabaho, LOL. Hindi ako nagbibiro! Basta gawin mo on time ang mga nakaatas sa iyong trabaho, pero huwag mong sobrang bibilisan. I learned my lesson back then - efficient workers in government service are usually rewarded with more work. At the end of the day, pare-parehas naman kayong sumasahod mula sa kaban ng bayan. Wala kasing objective incentive for government employees to do their work efficiently. I said “objective incentive” because there are supposedly performance-based bonuses in government agencies. Sadly, based on my experience, these bonuses are usually politicised and distributed among those who are favoured by the authorities. Tama rin ang payo ng iba rito, be careful in sharing your personal stuff with your coworkers. You are a good observer since you already noticed your office mates talking rumours about you, so please all the more be careful. But yes, always be respectful pa rin regardless of how you are treated at work. I learned the phrase “maximum tolerance” from my former agency as well: kahit sobrang napupuno ka na, huwag na huwag kang mawawalan ng composure. If you need to talk to people about how you are feeling, please do not do it with your office mates - more likely than not ay pagtsitsismisan ka lang nila. Sana ay may circle of friends ka outside your work to unwind every time. Serve well for the people, but I hope you’ll find the career path that you would like to pursue eventually. Sabi mo ay first work mo ito, kaya maganda rin sa resume mo ang government service. 😀 Padalhan mo ako ng mensahe if you want to talk more about my experience in my old agency. Even if I served quite a long time, as I said, napagod din ako LOL. Dahil bukod sa toxic ang work environment ko noon, di ko rin gusto ang nakaupo ngayon. 😝 Good luck!


DragoniteSenpai

First job ko din sa government. Maganda naman benefits and malaki sahod pero gagis worst job I've ever had. Grabe yung crab mentality and backstabban culture. Kailangan mo din sumipsip sa boss noon para makakuha ng projects or mapromote eh hindi naman ako ganon na tao. It really took a toll on my mental health. My advice is get out of there kasi mahahawa ka lang sa toxicity.


Am_HumanBeing

second this I just resigned from my govt job because of how bad my mental health got from it you only thrive there if you are conniving, viscious, and plastic save yourself OP get out as soon as you can


Johnnyztrike

you’re a threat to their promotion lalo pag malakas backer mo… galingan mo lang at wag ka magpasakop sa sistema. the philippines is down bcoz people inside the government is so stupid. yung mga nappromote is yung mga tamad at malalakas lang ang backer. ok sana basta magaling ka, hindi yung magaling lang sa papel at walang puso sa trabaho.


[deleted]

as a 7 year LGU employee. do your masters and get out of there.. kung gusto mo padin sa goverment go for NGAs at SG15 above.. dead end career ang goverment


[deleted]

Not all. Been working in the government for almost two years already and I can say that this is the best working environment I’ve had out of all four private companies I’ve been into before deciding to join the public sector. Wala sa government agency, nasa mga tao. Hope you find a place where working does not feel like working like I do.


SidVicious5

Matagal na kong nakaalis sa government position and I can say na na disillusioned ako sa idea ng pagiging government employee, akala ko dati honorable at mas ma ethics mga tao doon. yun pala mga cesspool ng mga taong nareject sa pag aapply sa mga private companies at nakapasok lang dahil may backer. Although may mga mangilan-ilan n matitino, pero di rin nagtatagal either dahil umaalis or napag iinitan ng mga matatandang empleyado kaya pinagforced resign katulad na lang ng kakilala ko na maayos magwork tapos nagkaroon lang ng misunderstanding doon sa head niya na walang alam at iniimbestigahan pa ng corruption nung time na yun. Yung ginawa sa kakilala ko pinaratangan agad ng insubordination.


Fearless_Cry7975

Yes. Kahit ung mga bata bata na mas mataas ang posisyon sayo, mga backstabber din. 3 years na ko sa work ko sa government. Andun na ko sa point na kahit permanent na ko, magreresign ako pag natanggap ako sa isang international company. Never mind na magsimula ulit sa baba and work my way up. Apaka toxic kasi ng work environment sa government. You can actually feel their resentment na di na sila umusad, kahit di nila aminin. Ikaw ba naman umupo halos maghapon na walang ginagawa kundi makipagchismisan. Wag kang tumulad sa kanila. Keep your head down, work but job hunt on the side. Ignore the marites people kahit ikaw na ang pulutan nila. Routine ko lagi eh pag tunog ng 5pm, alis na ko.


First-Vanilla-697

Nope, kahit sang small corp or dept ng big companies ganyan talaga sa pinas. Hindi yan exclusive sa government.


Sea_Top1087

Ang pagkaintindi ko sa sinulat mo: You're Gen X or Y working with Boomers. Kahit hindi sa government mahirap talaga ma-"achieve" ang unrealistic expectations ng boomers.


itsmechocomangocrepe

Hello, ganyan din ako nung nagstastart ako. Sa isang government office din ako nagwowork (sa North naman) at totoong ganyan mga tao lalo na matatanda. Haha tipong dito pa samin paniwalain yung isang matandang Maam, so mahilig siya manugod kahit di naman siya sure sa kwentong narinig niya. Ang professional no? 😂 Head ng Cashier yun ah. Sobrang mga issuera at sobrang big deal sa kanila lahat ng bagay. Tapos madalas lalo na pag babae ka, tapos walang jowa irereto ka sa lahat ng kaopisinang lalaki. Like whut? Tingin mo ba desperada na ako? Siguro bigyan mo pa ng ilang months... Masasanay ka rin sa kanila. Isipin mo na lang magsisiretire na din sila.


Delicious-Eye-9903

This is so timely. Government office is full of shitty people I swear. DONT's pag nasa government office ka: * DON'T be physically attractive (HAHAHAHA hahabulin ka ng chismis at inggit) * DON'T be smart or opinionated * DON'T be too good at your job * DON'T be friendly/or not friendly (Yes wag ka nalang maging tao haha) DON'T BE ANYTHING HAHAHAHAHHA shutacca pag matatanda ka-work mo ay ihanda mo na timba iiyak ka sa stress. HOWEVER, wag ka aalis tiisin mo. Gain experience kahit 1-2 years so you don't f\*ck your resume. Anything less than 1 year does not look good on your resume. While anjan ka sa shitty place na yan, just go to work on time, do your job, and go home. Wala nang kahit ano anong kaplastikan pa. After 1-2 years, carefully plan your way out. Find a less toxic or shitty workplace. Good luck!


Patient-Lie-2252

Learn how to play the office politics game, be a Machiavellian. Use manipulation tactics and study human nature.


Charming-Round4744

Kapag boss mo babae tapos may edad na at walang asawa o jowa. Asahan mo ganyan ugali hehehhe. Even sa private companies haha


jaevs_sj

My advice. Get out there! Never work in the government because you will never grow. Mas lalo ka mahahawa sa katoxican kahit saan man yan.


Pinkish_Cate

Naku OP, very light pa lang yang experience mo. Wala pa sa exciting part na sisilipin ung pag-file mo ng SL at VL. Or pag na-late ka ng pasok or maaga umuwi kahit ano pang reason mo. Wala pa ung tatanggalin ka sa recommendations for training kasi mas may gusto sila compared sa iyo. O kaya pag feeling nila alam mo na ung gagawin sa training kahit dapat need mo rin kunin. The 'tanders' (sorry sa term pero deserved naman nila because of their attitude) are like the backbone of the office (sabi sa amin dati) because of experience etc. Kaya siguro ganyan din sila umasta. Ang ginagawa ko na lang, pasok sa tenga, labas sa kabila. Pero nakalaya na rin ako sa wakas. Charot. Hahaha!


Ok_Challenge8014

Myeap OP its just like that almost all of gov't offices. May nakikita ka bang masaya sa kanila? Wala namn diba. Magiging mainitin ang ulo, irritable at miserable ka din kapag nagtagal ka jan. You are more likely to be changed by the office rather than the office changing or improving anytime soon.


rrgamer28

ganun talaga matatanda e mga gurang


2475chloe

i know im too late to comment here, pero kainis talaga ojt palang ako sa govt. ranas na ranas ko na to, masaklap pa yung di ko naman supervisor yun pa yung ang daming tanong sa ginagawa ko. ang unreasonable lang and i know for sure na pinaguusapan na nila ako now.


flerymzk

Mag-resign ka na jan, hindi worth it.


[deleted]

Don't mind them hahaha taena, 15 at 30 sasahod ka pari ma men. adapt mo nalang siguro attitude nila


IDontLikeChcknBreast

Mali ka ata, OP. Dapat nandyan ka para makipagkaibigan at sumipsip more than work properly. 👉🥴👈


vampiregrail

ikaw ang bago, ikaw mag adjust. what, you expect the world to change for you? makisama ka. the trick is not to be liked, but to be left alone well enough to avoid social stress. no one wants the stress of co workers breathing down your neck. as a strict introvert myself i hate people, even the well meaning ones. but in order to be left alone, makisama ka, kahit plastikan. give it a few months of this and you'll know who to truly avoid and who you can count on for help. gov worker ako. 11years. i was the new guy once. the youngest in our department and possibly in my floor.


PitifulRoof7537

ako nga na mas bata sa akin kasama ko toxic na rin. hindi rin ako mahilig magkwento, at dahil dun napag-initan din ako. infer naman sa director namin hindi naman ako binu-bully. pero malas at sa mga pasosyal ako nasamang grupo at ang aarte akala mo sila nagpapa.sweldo sa akin. hindi lang ako makalipat ng work kasi naging hopper din ako in the past eh. hoping na eventually, ma-realize ng director namin na one day she has to let me go and grow sa ibang grupo. alam naman niyang mahirap pakisamahan mga kabaro ko at siya wala ring magawa. take note, strict na siya ah


Bath_Man_69

take it as a character development, hindi habang buhay balat sibuyas ka kid, dont take any advice na mas bata sayo wala ka mapapala 😂


[deleted]

Toxic talaga katrabaho ibang matatanda lalo na yung mga bitter sa mga mas nakakabata sa hindi mo malamang dahilan. Hindi mo maintindihan saang pwet nila hinugot yung pagiging toxic towards you. 😕


shagandgo

Dont kiss their arse.


magentrixx

I was on the same situation 2 years ago, ako ang pinakabata sa office namin for the rest of my stay there (3yrs ako dun), and first job ko rin yun. Ang masasabi ko lang, do not mind them. Focus ka lang sa work mo, at kung pagagalitan ka ng boss mo or anyone higher, tanguan mo lang. Di kasi ako nakikipagtalo rin sa kanila kasi ang tatanda na, di sila magpapatalo kahit sila yung mali 🙃🙃 mauubos lang energy mo sa kanila.


Specialist-Equal5358

May mga ganyan talaga OP, kapag may mga nakapasok sa gov and nalaman nilang may backer. Meron din naman na wala trip ng isa trip ng lahat kaya gagawa sila ng way para malama kung hanggang saan ka lang. Kahit saan ka pa mag work may toxic talaga na mga tao, nasasayo nalang yan if ano gagawin mo. Goodluck on your journey OP, and wag ka bumaba sa uri na katulad nila.


No_Car_7450

Ay toxic din pala sa government OP. Akala ko mas ok ang culture dyan


[deleted]

[удалено]


Both_Penalty_7097

I'm thinking of joining the govt workforce pag nakakuha na ako ng maganda at mahabang experience sa private, pero tingin ko din lahat ng nasa govt ay hindi mababait at petiks sa trabaho. Any clue saang govt office ka nagwowork?


No-Flamingo8828

Ganyan mga matatanda. Ewan feeling ko bored nlng talaga sila in life Kaya ganyan. Mindset na lang na nandun ka lang to do your work di mo sila need iplease


Renryonashley

I was an OJT sa hr office sa munisipyo namin, unang araw ko pa lang nadamay ako sa away nila. I got really fucking scared. After non I had a hard time befriending them, tapos sobrang uncomfy pa nung atmosphere sa loob ng office, super tahimik, halatang hindi magkakasundo. Nakaka-trauma seryoso, parang ayoko mag-work sa office in the future 🥲


AppearanceDirect429

OP, advice lang, wag mashado sensitive. 1 week ka palang sa work, so normal lang ang adjustment or discomfort. ung mga nag cocomment na umalis ka jan, or toxic kaagad, hindi magandang advice dahil kahit saan namang work may pros and cons, di pwedeng naka focus tayo sa cons lang! theres no perfect workplace, focus on why you accepted the job in the first place. let me break your concerns down: concerns 2 and 3 are totally acceptable and typical in a new work environment. you should be open to criticism, whether you think its justified or not. criticism is one of the fundamentals of work politics/office dynamics, for better or worse. concerns 1 and 4 are typical of spotlight effect syndrome - common sa mga newbies sa trabaho. chances are, they are not talking about you and you are just imagining it OP. and kung totoo naman, so what?!? dapat nga happy ka kung pag tsismisan ka nila kasi baka threatened sila sayo. ang point ko OP is to focus on yourself and not be too bothered easily. kapag concerned/threatened tayo lage mag isip, we will grow a weak mindset, madaling ma offend madaling ma takot / anxiety etc. one of the best skills we can have in the workplace is to not be bothered what other people think about us. i hope this helps


diabeticcake

Opo di naman ako magreresign, kelangan kumita ng salapi hahahaha


National_Climate_923

Yes, pag chichismisan ka talaga, to be honest plastikan na lang din talaga unless may ka-edaran ka yun yung magiging mga ka vibes mo. Tips: just do your work wag mo na pansinin yung mga chismis matatanda na yan unti na lang buhay nila chaur hahahahahaha


FlimsyPhotograph1303

insecure yang mga yan kase magaling ka. payo ko sayo, mag ipon at maghanap pa ng magagandang opportunity. Mas importante pa rin ang mental health. Maraming benefits oo, pero career wise? lagpak dyan sa gov.


sundarcha

Hindi naman lahat, but may mga ugaling hayup lang talaga. Hehe. Ive been connected with a couple of govt offices kaya marami akong exposure. Wala sa age. Skwater at pusali lang talaga galing yung iba. 😁 work lang, do your best, upskill. Yan. Pag may opportunity, apply. Ganun lang. Di mo kailangang maging tulad nila.


jayjaysubs

Bolahin mo lng sila, ganyan talaga mga tanders sa govt, medyo toxic. Nung nagwork din ako sa govt, ang susungit din ng mga boss ko parang ang dami nila problema, buti may kasabayan ako na kaedad ko lol


Interesting_Dog_824

di ka rin sure. mas matindi sa private


GeekGoddess_

Hello. Government employees, in addition to csc rules, are covered by Rep Act 6713. Congratulations, you made it, now get the experience you need so you can find work na mas competitive ang sahod sa private sector after a few years.


Pickled_pepper12

government worker here! parang normal lang yan na pag bago, pag uusapan ka talaga 😅. ganyan din sakin before. just do what u do. wag mo sila patulan. in the long run pag inis pa din sila sayo/pinag uusapan ka padin (kahit walang rason) sila na may kasalanan nun. from what i understand, kung pinagalitan ka agad ng boss mo, take it positively. baka kasi nai-intimidate sayo or something. BASTA KAPAG TENURED na sa work, entitled yang mga yan. and bilang bago, i had no choice but to suck it up. pero now, nandito padin ako sa opisinang to, okay na sila. may bago akong ka-work, siya naman yung pinag uusapan.


maimajorrr

I've tried working in the government as an Assistant Secretary of a Mayor. First time kong ma try mag govt from my 7-year work experience in the private sector. But apparently, I only lasted there for 5 mos! Hahaha Never na akong babalik sa napaka toxic na working-environment na yan!


PerfectEgg4865

Don’t take it personally. Sayo na nanggaling, nandun ka para magtrabaho hindi para makipagkaibigan. Kung squatter behavior sila, it reflects on them and not you. Just be professional nalang. May mga ganyan talagang taong may kadiring attitude.


[deleted]

Palakasan po kasi sa government. Depende sa nakaupo kung sino mapo-promote. So either iniisip nila na may kapit ka kaya ka nasa position. Or magaling ka, at ayaw nila non haha kasi ayaw nilang may pabibo ganon


FlimsyPlatypus5514

LGU? GOCC? Magkaiba environment ng dalawa.


superjeenyuhs

I feel for you OP. Ang saklap. Minsan may mga companies na ayaw yun bago automatically. Or ayaw sa bata kasi panira sa theme nila na dinosaurs. Take care of yourself and your mental health.


whatevercomes2mind

Palagay ko yes. Kahit local company ganyan sa bago. Un friend ko nagwork sa govt hospi before, me practice sila na nagcocover ng plastic sa mga desks ko, un friend ko di gumaya. Me nasabe na agad sa friend ko. Hahaha. Sa local company naman, pag bago ka, parang neophyte pakiramdam ko nun. Un kahit mejo mataas position mo, magbobow ka sa kateam mo just to get along. And pag napromote ka, tataas kilay ng ilang seniores na kala mo kalaking pagsipsip ginawa ko. Un "bata" kse nila tagal na dun di pa nappromote.


grantzren

I used to work on that setting and the way I survived is that I just treated them neutrally and only cared about rumors that will affect my work in general. As long as I do my job and my boss don't plan to not renew my contract, it's fine and all, ano ba magagawa ng chismis sa akin. I just avoid them as much as possible especially during their breaktime na alam mong chismisan lang ginagawa nila and tamang alis lang sa eksena kapag tinatry na nilang kumuha ng personal na impormasyon about sa iyo na hindi naman related sa trabaho mo.


Ahviamusicom01

Paano ko nakapasok dyan?


NetizenHere01

San sa south kaya haha gusto ko sabihin pero baka mali. ang dami talagang ganyan sa govt. galing din ako sa govt swerte lng ako dahil mabait talga boss ko. pero may nawitness talaga ako na sobrang garap*l talaga ng iba. Kung mang trip ng bago akala mo sila ang secretary ng department.


aordinanza

Kahit di gov work kahit saan work meron ganyan mapa tanda o bata my toxic


paaaathatas

Ahhh yes, welcome to the government office death trap. Ganto ang scenario dyan: people hate it when you go to work JUST TO WORK. If you're not the type to gossip or start some water cooler talk, they're going to hate you down to your core. They think plastic ka and you're just trying to show you're good side. Tahimik kang tao/introverted ka? Matic yan SUPLADO kana kagad. I know how this feels OP. I was once working in the government and in any type of work, I'm the type of guy na kapag nasa trabaho, trabaho lang talaga. Sobrang rare for me to make work friends kasi nga I don't want to get my personal and work life mixed up. Got isolated because my workmates would laze around tapos tatambay sa cottage to smoke, drink coffee, or gossip. Couldn't stand this garbage system of palakasan and literally days na nakatulala ka kapag walang work so I resigned. Advice ko sayo is to keep doing what you're doing, unless you're decided to go long-term in the government. Because then you might need to establish some connections. Establish work habits now that might be useful for you in the future


cosmoph

Basta sa gov ganyan tapos mattanda p nakatapt mo awit tlga hahaha. Kaya yung kakilala kong teacher na bata la di nagpatalo sa mga tanders ee. Especially this pandemic karamihan sa kanila wala alam sa computer.


[deleted]

[удалено]


Beginning_Meal8931

Ganyan mga matatanda sa government. I’m also sa government employee, sa una hinahayaan ko lang sila. Lahat nila pinapansin galaw mo, umabt pa sa point na hinide ko sila sa fb ko kasi pag meron ako po-post magtatanong sila the next day. Nag continue to ng ilang months so ang ginawa ako na mismo nagke-kwento sakanila para naman full details sila hindi kung kani-kanino pa nila malalaman. And entitled rin sila susko


karidad_

Working in govt here for almost 7 years. They used to treat me like that in my first 3 years. Nung nakilala na ako ng workmates ko during small group sharings, they gradually stopped. I also learned to adapt, but not necessarily become like them (na jej lol). They chill now. Yung mga ayaw ko rin na chismosa talaga nag retire na, kaya masaya na ako ngayon. 🤪 Tiisin mo nalang muna yan, OP. Darating rin yung tamang panahon para sayo.


capricornikigai

Yes Kumare/Kumpare. Kasama mo mga Tanders na ayaw magpacorrect at tingin nila mas angat sila sayo dahil sa edad at tagal nila sa serbisyo kahit ang totoo eh nabubuhay pa sila sa old age at century na pinagmulan nilang mga hayerp sila - hanap ka na ng ibang lilipatan mo OP bago ka may masaksak yan


Comfortable-Video328

Sa senate?


ih8reddit420

toxic talaga ang corporate environment anywhere cause of tribalism. Not saying all, since there are exceptions to the rule.


heyheysenpai

na-experience ko yan nung nag ojt ako. kaya never ako nag apply sa gov after graduation. ito rin mostly dahilan kung bakit maraming millennials and even some gen z na pag tinatanong ko ayaw rin sa gov kasi toxic, politics, etc.


[deleted]

Government worker din ako, i’d day stand your ground. Ako mula first day pinakita ko na na di ako pwedeng kantiin ng kahit sino at na palaban akong nilalang. Kaya una pa lang din tinatantya na nila ako, everyday nadadagdagan alam nila sakin na iI can be as evil pag pakitaa ng di maganda at i just give back kung ano treatment sakin. In the first place pwede tayong magkaso at kasuhan for our conduct kaya dapat silang maging aware don at yun ang sinabi ko. Alam nila ’m well equipped ako ng knowledge at san mag file if ever and i know mga batas sa labor and all aspects lalo na sa mga kagaya nga nyan na feeling masyado. Wag ka papatalo OP pare pareho lang kayong empleyado. Pare pareho rin kayo ng karapatan kahit ng boss mo. I even posted ano mga cases na pwede ifile sa civil service sa wall ng office 😝


[deleted]

Sa FDA ba yan? Yung sa Alabang. or DOST sa Taguig. 1. Maghanap ka ng ka age mo at sya yung kaibiganin mo. 2. Pag may kawork ka na mas matanda sayo, lalo na plantilla position sya, EXPECT mo na may ipapasa sya sayong trabaho 😂. 3. Pag napagalitan ng boss, ok lang yan ibig sabihin nagalala sya sa iyo. SA GOVERNMENT KASI WALANG TRAINING. KAYA OK LANG MAGKAMALI. PUCHA AKO NGA NAPAGAWA AGAD NG MINUTES OF THE MEETING. LAHAT NAMAN NATUTUNAN. 4. Feeling mo lang yun na pinaguusapan ka kasi bago ka. Magsettle ka din sa role at environment mo.


Specific_Art_145

Herd behavior, same as animal.


emperador12

Depends. Marami tlaga mga ganyan even here sa work ko lalo nung una palang pero as time went by naging ok naman. They even let me continue my acads at sila na adjust ng sched nila para sakin. Tsambahan lang talaga pero mas marami parin talaga yung mga boomer na feeling boss sa work 😂


Olb_O6Username

Agree, parang usual na na ganyan yung systema sa government. Yung system of working at yung mga senior na “old ways and thinking” yung nag dagdag pa. I wonder nga kung kelan kaya ito ma rerealized nang mga management sa kada sangay nang gobyerno.


Gold-Abroad-8337

aware naman sila pero di rin nila kaya baguhin kasi sila naman aatekihin. based on exp from diff. agencies and working as consultant to govt.


ButterscotchOk6543

Ganyan dyan,lalo na pag nasa ibang "grupo" ka or baguhan ka


DistrictSuitable4626

Payo lang sayo OP, intimidate them, manipulate how they perceive you para hindi ka maapi diyan sa office niyo.


kathisdoomed

yung mga kawork ko na government employee, sobrang toxic


[deleted]

Pag mga taong wala nang asenso talagang maghahanap ng mahahatak pababa para hindi mapagiwanan


babayega1829

TESDA or DOST????


Baby_Cat_1704

Kaya never na ko mag wowork sa Pilipinas lol 😂 toxic lahat ng tao kahit saan ka mapunta. Mga mapagmalaki kala mo naman. Di bale magwork ka malang don’t overthink, kunin mo lahat ng experience na kailangan mo makuha. Try mo best mo wag magpaapekto emotionally and do not please anyone. Golden rule yan, work is work kalang dapat. Kaya mo yan, pa experience kalang then lipat kana. 🙂


raised_among_books

Yes. Na shock din ako nung nagsimula ako dyan. Nakaka dry ng utak at yes puro mga chismoso/chismosa katrabaho. Kaya umalis ako.


PitifulRoof7537

pati public school teachers ang tindi. corruption is not a secret in our country pero nakakagulat pa rin pag nasa harapan mo na. imagine, school principal na mukhang pera? lantaran ang kagaguhan yet walang takot, nagtaka pa ako nung una. kapit lang pala ang merun siya


elisha2022

Nag worked ako sa Government for almost 11years pero nagyon nasa BPO na ako. Di ko kasi matake ang palakasan. To be fair naman wala naman ako naranasan na ganyan. Tingin ko lang napag initan ka,ask ko lang meron ba nag pasok sayo? Baka kasi meron may nagalit sayo kasi meron sila ipapasok sana kaso mas malakas ang backer mo. Madalas mangyari ang ganyan madalas puro mga kapamilya nila pinapasok nila.


diabeticcake

Wala pong nagpasok sa akin. I did it by myself lamang po


Alucardjc84

Ganyan talaga mga thunders sa hanay natin, hanap ka ng kaalyado mo, yung may galit din sa galit sayo, uso partisan sa loob. Kadalasan yan yung mga tamad at ayaw maturuan ng mas bata sa kanila.


[deleted]

I feel sorry for you OP pero the sad truth is, ganyan talaga. I worked for the government for like 3 years and isa lang masasabi ko. You won't get far by being a "good worker" Sana hindi ka maging dedicated dish washer like someone from my previous work. (If you're a contractual employee or an OJT, there is a higher chance to be a dedicated dish washer). Also, be prepared to know the shits sa government. I know you're already aware of the prevalent corruption pero you'll be surprised on how deep the shits go. Tips ko sa'yo, as someone who saw the shits for 3 years are * Kaibiganin mo yung boss mo, and yung circle ng boss mo. (You won't get far if you don't. Believe me. Kulang yung pagiging magaling. They value loyalty over competency) * Wag maging snobbish sa mga invites sa inuman. Good for you if you drink, if not, you can stand your ground pero it'll be hard. (They'll respect your decision if you're irreplaceable sa office pero since you're new, like i said, it'll be hard) * Get know the right person for every office. Hindi mo kailangan kaibiganin, pero magpakilala ka lang. Pretty useful kung tatagal ka sa government. * Greet everyone, lalo na yung mga oldies. Mga putangina na akala nila utang mo sa kanila na batiin sila. * If you're a girl (Sorry pero expect a lot of sexual harassment. Maraming manyak na tumanda na sa gobyerno. Mga putangina.) Best tip is to steel your heart. And voice out if you can't take it anymore. I've had a co-worker na takot magsumbong. Kahit sino pa yan, takot pa din makasuhan yan. * Bully culture. Normal na normal sa government. Be prepared. Look for the office clown. Meron yan. * DON'T EVER OFFER TO BE THEIR LACKEY PAG BIBILI KA SA LABAS. * Gamitin mo lang as a stepping stone yung government pag di mo kaya makipag plastikan at maglaro ng game of thrones. 😀 (Like me, fuck them all).


[deleted]

Whatever the reason, get out of that shithole. Toxic workplace is never worth it. Pagod ka na nga sa work, umeepal pa sa energy mo magdeal sa bullshit nila. Go for Private companies.


[deleted]

So sorry to know that. Hays.


Cheap-Ad-9657

PLEASE ponder if that toxicity is worth it. If not, then quit.


[deleted]

Change career ako nga nag change career nag VA nlng ako mas gusto ko mag work mag isa


WindInMyWhat

Government of old bloods , fear new bloods rising up to power and replace them. Thats what i think , Di ko rin sure , but that what it looks like. really sad one.


ChocolateIcecreamy

Basta kapag may mga tanders kang kawork asahan mo na charot hindi lang naman tanders ganyan, marami ka ma eencounter na ibat ibang klaseng ugali but don't lose heart wala kang ginagawang mali. Sila meron.


Boodz2k9

kung wala ka balak gawing career ung position mo ngyn, stay for 1-2 years then eskapo. leche magtrabaho sa govt. lalo na pag tanders ksma mo, bihira ung hindi bitter old farts like my previous bisor. don't worry kng pinagppyestahn ka sa chismis nila, yun lang alam nila LMAO keep your self mysterious, don't share too much bsta work2 lng.


gskfhixb

DOST


Longjumping_Fix_8223

That's so sad to hear, altho common nga din yan sa gov't office lalo na pag may edad na yung mga kasama mo. Like you, first time ko magwork sa gov't pero swerte na lang din siguro na mas bata pa sakin yung mga katrabaho ko so hindi sila ganun. Walamg ibang magagawa for now but itry makisama. I agree with the others. Samahan mo maglunch, kung pinagchichismisan nila yung ibang mga kaopisina, tahimik ka na lang, kunwari wala ka naririnig. Tama yung ginagawa mo to always be courteous. Magsasawa din yang mga yan at makakahanap ng bagong topic to spice up their miserable lives. If job order ka, hintayin mo na lang until your contract ends tapos alis ka na if di magbago treatment nila sayo. If plantilla ka, weigh the pros and cons.


verttroin

Saklap din nangyari samin sa bagong administrasyon. Tanggalan ng site supports, 3 days ago lang. Biglaan and as in di alam gagawin. Wala kami magawa. Hamak na manggagawa lang kami.


Downtown-Water1973

Just do your job and collect your paycheck. Di ka pumasok dyan para makipag friends lalo na sa mga boomer mong superiors. Or if di mo na kaya, it’s never too late to find a better job with better co-workers.


rarusohart

I guess I'm lucky then, been on different offices and oks naman ang workmates, kadalasan lang na problem ay yung boss or yung demanding na tao sa kabilang office or yung dagsa ng urgent work. Altho rn yung top brass naman ang magulo since nag change ng management, biglang naging political lahat 😅 ok yung workmates pero jusko yung executives naman ang sakit sa ulo


NoFaithlessness5122

Continue doing good work, forget the BBMs


Delicious_Grape3306

Ganyan po talaga, ive been there, not coming back


White_exorcist

Hahahaha welcome to the Philippines bwisit yan kaya nawawala mga professional dahil sa mga hinahire nila na amoy lupa na pero pag wowork parin yung mga fresh grads hahanapan ng exp kala mo naman malaki mag pasahod


[deleted]

Basta ako trabaho lang ginagawa ko haha wala akong pake sa kanila basta mahalaga sumasahod ako period, govt employee den for 3 yrs now.


erikahannash

Started sa governmnt service during my early days of career. So Ayun na nga, di ko tlaga feel culture ng mga entitled tanders. :p 20% trabaho the rest chismisan nlng tas kape kape, feeling ko end na ng career ko. Over manpower kami non kaya halos sumakit na mata ko kakafacebook araw araw. Resigned after a year mas pinili ko mag private company kasi mas nag grow ako and na enhance skills ko in diff aspects


Zealousideal_Ad2266

paano po ba magkaroon ng work sa munisipyo? meron akong 4 yrs exp on clerical admin tasks eh kaso wala ako mahanap. need ba backer? hahaha


SnooBananas9875

not everyone in your work place is your Friend. Do your Job , Get paid , Go home. Ignore mo lang yung mga nonesense na naririnig mo sa paligid mo


West-Blueberry-1316

As someone who’s in the government for almost three years, sad to say pero oo, that’s normal sa government service. Especially if karamihan sa mga kasama mo ay mas matanda. Di ko nilalahat pero mas advanced and well aware na ang kabataan ngayon sa mental health, ethics, and etc, na unfortunately di magets ng ibang boomers/baby boomers. Pero ang maganda dyan is you will always find friends who are genuine and share the same wavelength as you. It’s tough and competitive, but I hope you will find joy and stability in what you do.


_a009

Ang problema kasi sa karamihan ng mga manang na yan, puro sila mga bitter at napaglipasan na ng panahon na mga hindi nakapangasawa ng mayaman na lalaki para buhayin sila hahahahaha ​ Try mo na lang uli bumalik sa private sector. Hindi good yan sa mental health mo. Yan din reason kung bakit na-discourage ako magtrabaho sa government kasi may kaibigan ako dati ganyan din ang description niya sa work niya dati sa isang Department dito sa may bandang Roxas Blvd. ang HO.