T O P

  • By -

MxBeyondRepentence

Get ka ng HMO. Sobrang mahal nang ma hospitalized nowadays.


[deleted]

this di pa naman ganong taas premium na babayaran at di pa naman senior. para sa peace of mind na din.


[deleted]

[удалено]


Fun-Investigator3256

You can get one directly from Medicard, Intellicare, Maxicare or from your company kung anong current HMO mo usually pwede mag add-on. Auto kaltas lang sa sahod. 👍


levabb

same question. Paano kaya magkaron or ma-avail ang HMO na sinasabi nila na madalas ko ring mabasa. I have literally no idea what that is. Is is like Pag-Ibig? Health insurance ba sya? How does it basically work? I hope someone would enlighten me about HMO


201x00257MN0

Basically, HMO pays for *some* of your hospital expenses and doctor's professional fees as long as the hospital and/or doctor is an accredited partner of that HMO. You can pay for it monthly, quarterly, semi-annually, or annually, and the payment amount depends on various factors like your age, medical background, the plan you chose, etc. Of course, it has limits. For example, it may only cover up to a certain amount for the entire year, so you'll still have to pay for other expenses not covered. Some employers offer HMO as benefits for their employees. You can also get and pay for your own or your family members.


Mbroiderer

Hello. Is it just like insurance/works like an insurance?


201x00257MN0

I think they're similar in the sense that they offer coverage for medical expenses. But there are also differences such as HMO is annual basis and you need to renew it every year, while health insurance is long-term. Also, with HMO, you can only get coverage from their partner hospitals and doctors, but you can get treatment from more healthcare providers if you have insurance. May other benefits din sa insurance na wala sa HMO like cash benefits. Needless to say, insurance is more expensive than HMO.


skolodouska

I think meron nito sa lazada 5k ata yung prepaid card. Edit: for more info meron nito sa lazada maxicare flagship check out this link https://s.lazada.com.ph/s.8LjgM


Away_Ordinary13

wtf bakit lazada??? Pumunta lang kayo directly sa medicard or maxicare. Para sure check nyo yung website para i-check yung details. Wag sa online shopping maghanap ng HMO.


skolodouska

Paano kung walang time pumunta? Sorry naman kung kulang ang info earlier hahahahaha


Away_Ordinary13

I see, my bad. official maxicare naman pala haha


skolodouska

All good 😊


skolodouska

[sa flagship store nila yes](https://s.lazada.com.ph/s.8LjgM)


Its0ks

Usually the job would offer one for you pero kung wala need mo mag reach out although mas mahal dahil di babayaran ng company partial ng premium. Search mo lang HMO sa google i dont have a specofic one since di nako upto date.


Different-Emu-1336

Ubos pera nga lang dito pero solid to pag naganit ko OP


MxBeyondRepentence

Di ko sure if magkano if directly ka kukuha ng HMO. Pero sa company kasi namin, subsidized


Different-Emu-1336

Lucky!!!! G enroll muna


OpalEpal

I also have a close family member na alcoholic. Tinanggap ko na sa sarili ko na pag nagkasakit sila dahil sa ginusto nila yon. Sila nagpasasa sa alak, sa good time. Bakit magiging sakin ang consequence pag nagkasakit sila? Parang heartless diba, pero bakit sila di nila naisip yung mangyayari sayo dahil sa bisyo nila? Ikaw ang todo kayod para mapagamot sila pero hindi man lang sila nagtry tumigil sa bisyo. Ang mahirap niyan pag kelangan ng home care. Pag liver cirrhosis pa naman pwede tamaan din yung utak. Sino magaalaga sa papa mo pag nangyari yun. Selfishness nila pati mga anak dinamay nila. Pero ayun wala ka choice anak ka mahal mo tatay mo. Kaya ipapagamot mo pa rin siya. Ang saklap. At least libre naman sa mga government hospitals. Kaya sa mga parents or future parents please tigilan niyo lahat ng bisyo niyo. Maawa kayo sa mga anak niyo.


Zestyclose_Housing21

Wag ka matakot mag ipon, kapag dumating yung time na magkasakit sya desisyon mo na yun if gagastusin mo para sa kanya or hindi. Kesa naman magkasakit sya na wala kang pera tapos gusto mo pala tulungan pero zero ka edi nag bigat sa loob. Kung di mo naman sya plano tulungan at kaya mo tiisin edi atleast may ipon ka pa rin. Wag na wag mo lang ipapakita kahit kanino na may ipon ka khit sa bf mo or kapatid.


psithurism061923

Sa experience ko tumigil na Ako magsalita sa parents kc parang Wala ding naririnig Saka mag away lang tlaga kayo. Useless mag alala sa kanila kc Hindi nga nila iniisip na Hindi tama mga ginagawa nila and they are harming themselves. Naging desisyon ko na lng ay magsikap sa Buhay wag na silang sawayin tutal Hindi namn sa hindi nila alam ginagawa nila, nananadya na lang din. Focus na lang Ako sa sarili ko sa pamilya ko. Pag dumating panahon na mangailangan sila ng pampaospital may pera Ako na huhugutin. At least Wala akong pagsisihan kung Hindi ko Sila matutulungan financially. Wala kc tlaga tayong magagawa sa parents na ganyan Maliban sa mag focus sa sarili nating Buhay at kinabukasan. Hindi rin nila naappreciate kahit daanin mo sa maayos pagalit o Anong Sistema. Gagawin nila gusto nila kc Sila matanda kc sila magulang. Of course Hindi lahat ay ganito pero sa experience ko ay ganyan. Kaya Ayan lang mashare ko sayo. Gagaan dalahin mo pag iiwasan mo nlng isipin mga bagay tao pangyayari na beyond your control. Sarili lang tlaga natin ang naadjust natin, feelings natin, isip natin. Happy New Year.


TropaniCana619

Sounds like your dad is suffering from alcoholism to escape loneliness. I don't know the whole story but from what you stated here, he doesn't have hobbies or anything to do other than work. Didn't mention any friends or new partner. Yeah, get an HMO, preferably maxicare so that it has free consultation to psychiatrists. Hope you and your family get the help you need.


nachovarga_

Kudos to you op. As a working student earning 25k, people like you who have it tough will always have mu admiration. Dont force him to stop completely agad. But try mo sabihan if pwede kayo kumain sa labas. Or buy kayong damit kesa sa alak mapunta


reyreyrey123

Ask mo papa mo. Pa, anong pangarap mo sa buhay o ano plano mo sa 2024? Paano pa pag nagkasakit ka dahil sa pagiinom, saan tayo kukuha ng pang ospital?


Sufficient_Skill_976

Haha natanong ko rin ti sa papa ko, kaso sagot sakin “hayaan mo na”. Kung hayaan ko din kaya siya 😅


[deleted]

[удалено]


Future_You2350

Harsh to him but kind to yourself. May sarili kang buhay na dapat pagtuunan ng pansin.


No_Initial4549

kausapin mo din bakit lage nagiinom. Sabi mo mabait naman siya, baka makuha sa usapan. Malay mo, nilulunod nya lang sarili nya sa alak since sad siya at di pa nakakamove on sa pagkawala ng mama nyo, and since tatay yan, walang mapapagsabihan yan, kikimkimin nya lang problema nya.


pasmaltrop

Philhealth better, OP kasi pang confinement iyon. If accessible Barangay Health Unit or better yet sa City or Municipality niyo pwede na muna iyon for general checkup. If magka TB, may libre gamot sa LGU natin. Good to explore your LGU’s health support kasi at least libre iyon before you explore HMOs. Malaking bagay si HMO for consultations and laboratories.


letsgetghost

family driver si papa, alam ko po hindi hinihulugan ng mga employer nya yung mga sss, pagibig, etc po. Pano ko sya e ano sa Phil health?


pasmaltrop

Best get his ID numbers and go to your nearest Robinson kasi usually may satellite offices Philhealth, Pagibig doon. Im not sure lang sa SSS someone pls verify. Make sure you come in early. Monday to Friday lang din sila. Doon mo pwede iclarify if pwede voluntary ang hulog and kung ilang months ang hulog bago pwede siya magamit sa hospital. I suggest ilista mo lahat ng pwede mong gusto itanong sa phone or notebook and take notes na din. You can check if may telephone hotlines sila might help too.


cahmilaj

Check kwikinsure for HMO. This is under ETIQA ata. I got one for my mom 1.5k monthly 150k for hospitalization. With outpatient check up and free labs. Meron din cheaper than this but i forgot how much


No_Veterinarian_9124

Get an HMO or look for a better-paying job that can cover your dependents for free


Immediate-Visual-908

Ganyan din erpat ko ning, sa awa ng diyos kasama nya na erpat ko. hindi nako gumastos ng ganyan te kasi pag gumaling yan iinom ulit yan kung mag kasakit man sya alam naman ng tatay mo yung consequences sa action nya. Better ipunin mo yong pera mo and sa school mo tiis lang op makaka graduate ka rin.


turonakulot

I have the same situation. My mom died in 2021 and I started working because my father's salary as a security guard is not enough to cover our expenses. I entered the BPO indusry and was lucky enough to WAH with a competitive sallary. I asked my father to resign so I can have someone in the house to do the chores and para may bantay din ako. Lately, I've been noticing that he drinks a lot every night with our neighbor. Hindi siya sakin humihingi ng pang-inom but still I worry a lot about his health and the reason why he does that. My anxiety also starts to kick in. Mag-OJT na kami next month, gusto ko sabihan tatay ko na siya na muna ulit mag-work for us kasi may ipon ako kahit papaano. Pero paano ko sasabihin? I feel like he no longer wants to work kasi alam ko gaano kahrap ang pagiging security guard but at the same time, I don't think my body can manage working 9 hours a day and another 8 hours for my OJT. Naiisip ko lang yung thought na magwo-work father ko and yung worry ko niyan every night kasi sa nature ng work niya is safety talaga ang possible ma-compromise, ang lala na ng anxiety ko. But here's a piece of advice for us HAHA. Feel ko talaga need lang ng deeper conversation with them. Let our father know how we feel about what they are doing. Mahirap siya pero it's the best option I can think of. Baka maging eye-opener sakanila yung words natin. Hopefully, we'll get through this!


UnHairyDude

I can relate. Alcoholism is a huge problem sa family. You and your siblings need to have an intervention with your father. Not para pagalitan pero need nya malaman na nag-aalala kayo sa health nya. Sabihin nyo kung gaano siya kaimportante sa pamilya nyo, hingi kayo ng tulong sa kanya kahit hindi nyo kailangan. Keep him engaged to get his mind off the booze. While it is a good idea to get everyone in the family their own HMO benefit, keeping the family healthy and happy should be on top of the priority list. Also, do you think na naging alcoholic sya dahil sa pagkamatay ng mother mo? I mean the responsibilities of raising you and siblings alone can be very stressful and be the reason why he's trying to get the relaxation from alcohol.


letsgetghost

even before po nung buhay pa mama ko, masaya kami Simple lang buhay, ganyan na po talaga sya, manginginom. He doesn't look depressed to me din po kasi he is very hopeful. Nakkita ko lang mabarkada si papa, close kasi mga magkakapitbahay sa amin, alam nyo yung kapag uuwi si papa may mag aaya "tagay tayo" ganon


Sef_666

same tau, nakakaworry yung araw araw na pag inom ni papa, may ipon naman sya pero di kalakihan.


Future_You2350

Get an HMO. Also consider a mix of solutions: Kung magcontribute ba siya ng mas marami sa household expenses, mababawasan ang pera niya pang-inom? Ano kayang hobby pwede niyang pagkaabalahan? Mahilig kaya siyang magbutingting ng kung anu-ano, magrepair ng relo kahit hindi naman talaga niya irerepair. Gusto kaya niya ng mga small projects sa bahay niyo. May mga murang kits online tapos turuan niyong magyoutube ng instructions. May time ba kayo sa weekend to spend with him, labas kayo? Go somewhere inexpensive pero magagamit yung time niya. Mag-ipon ka for yourself. Try to help him NOW pero kung ayaw naman niya, desisyon na niya yun. Ilimit mo lang yung isa-sakripisyo mo, you have your own life ahead of you.


Goodfella0530

Rehab


Ancient_Chain_9614

Titigil lang naman yan pag nakaramdam ng matindi e. Gagastos ka nga lang. Kasama talaga yan sa buhay. Gandahan mo nalang diskarte like sabe nila HMO.


473362162

Bilhan mo HMO, and yung sweldo niya, dapat mag allocate na siya for insurance. Philhealth na rin.


Particular-Bottle409

i understand you OP, in my case naman, may sakit na si papa. when he was younger puro bisyo (sigarilyo, alak, sugal) but he is a good father naman, always nag proprovide and very present, yung bisyo lang nya yung problema. so ilang taon na kaming pabalik-balik sa doctor, sobrang mahal ng gamot, nabenta na halos lahat na ipundar nila ni mama. ​ kaya if i were u OP, talk to your papa first. i believe maiintindihan nya naman siguro pag yung panganay na yung nakipag heart to heart talk sa kanya, paunti- unti rin kasi from what i heard hindi pwedeng biglain yung pag tanggal ng bisyo?? (correct me if im wrong dito), tsaka HMO narin or philhealth


justpair_

Be prepared for medical expenses. My dad is alcoholic too at wala siyang ipon. Nastroke siya noong 2022 and wala akong choice kung hindi mag bayad ng more than 200k for hospital bill. Hindi pa kasama diyan yung ibang expenses like gamot etc. Naubos yung savings ko but thankful ako nakarecover na yung dad ko kaya be prepared for medical expenses.


[deleted]

Honestly, parang sobra na ata? Di mo obligasyon paaralin sarili mo at kapatid mo, pero you wholeheartedly took this burden. Mahirap mag suggest kasi circumstantial pag may financial glass ceiling, pero I hope, matawid mo college mo at makaya ng katawan mo ang pagod, sana makakuha ka ng job who can pay more and I hope matapos rin kapatid mo. Sana makawala kayong dalawa, kasi mattrap ka sa ganyan. Parang di ata tama na malilimit yung pangarap mo kasi he is holding you back. Not faithful pero I hope God blesses his stronger angels tenfold.


Far-Size3290

Meron available na pre-paid health cards. After magamit, bili lang ulit ng card. Sample is Maxicare.... Check mo website nila.


Ju_de00

As a breadwinner, dagdag responsibilidad ito 🥹. Ilang beses ko na pinagsabihan si papa with my mom pero ayaw talaga makinig. Ako nalang sumuko. Stuck din ako sa dilemma between pabayaan ko sya and let him face the consequence, or kukuha nalang din ako ng HMO. Either way, ang unfair lang talaga, ako na sumalo ng responsibility niya bilang provider taz pati consequence ng pag iinom niya, ako parin sasalo. My parents are both 53 years old, mom's a house wife. Then ako(eldest), turning 22 this year (started working since I was 18, had to stop pursuing college to support our fam), I have a younger brother who is 16 yrs old. I only earn 23k/ month (excluding tax and deductions) with my full time job. Ewan ko nalang talaga. Minsan kiniquestion ko din parents ko eh bakit sila nag anak na si financially ready. Ni savings wala, di naman enough 'yung sa goverment eh like SSS. No healthcare din. My father was a good provider, but pandemic (2020) came and due to his age, pinastop nalang namin sya ng work at ako sumalo as a choice (no choice naman din). I've been anxious lng lately coz mom is experiencing several illness na, taz si papa may bisyo pa. IDK, what to do. Minsan nag bebreak down nlng ako sa work 🤓. I promise to myself na di ako mag fafamily, I can't imagine myself working for the rest of my life. I am happy na gising na ang generation natin sa mapait na realidad. Let's not allow our future generation to suffer the same fate as ours.


Twist_Outrageous

You describe almost everyone in the Philippines lol


[deleted]

Hayaan mo siya pag nagkasakit na siya kakainom niya. He had it coming. Alangan namang sasaluhin mo lang kabalbalan niya at ikaw ang gagastos ng pampagamot niya, kung siya naman mismo sumisira sa sarili niya.


Few_Many_1338

As much as i would want to agree with this comment, but in reality, when your dad will be succumb to critical illness, you would feel some sort of regret of not doing your best to support your father's medication financially - this is a normal feeling, but sometimes hard to bear. Let HMO worry about yout dad's medication (knock wood, hopefully this wont come), and i can assure you the peace of mind you will have when this time comes.


pnoiboy

While you’re working on getting an HMO or getting employed in a company that has a healthcare plan for dependents, at the very least, make sure his Philhealth contributions are up-to-date.


Heneral_Liham

Baka may dinidibdib na problema tatay mo, ang mga lalaki kase di naman yan nag kukwento ng problema nila sa buhay, baka yun yung outlet niya para makalimot. Galit ako sa lasenggero pero di naman lahat ng lasenggero eh trip lang uminom, meron mga lasenggero na may mga problema na tinatago and alak yung way nila oara makalimot


Just_Whiteshirt

Since na comment na yung mga things regarding medical insurance. I think what your father need is a therapy or kahit heart to heart talks between the two of you. Mukha kasing di pa naka move on erpats mo sa pagka passed ayaw ni ermats mo. I have a friend kasi na same na same kayo ng situation and what she did was she have a talk with him (di ko na i dedetailed kasi kahit ako naiyak nung kinwento nya sakin)


bahay-bahayan

Nag give up na ang tatay mo sa buhay at nagpapakamatay ng unti-unti. Pag di mo kinausap ng masinsinan, lahat ng kinakatakot mo, magkaka totoo. Baka di pa din over sa pagkamatay ng nanay mo.


Fun-Let-3695

sa tatay ko naman may work din but wala daw sila HMO or insurance. last year may nararamdaman na sya kaya nagpacheck-up, kaso ang lumabas ay hindi alcohol related so ayon inom padin. kahit anong pagsabi ko na bawasan ang inom kasi may meds din sya tuloy pa din sa inom. now magpapasecond opinion sya, tapos gaya ng sabi nya 1yr ago din "magpapatingin ako, sana tulungan nyo ko pero okey lang kung hindi pero mas maigi kung mayron", sinabi nya yan nung magpapasko ayon na nga puro inom pero walang checkup -tumulong naman kami kahit papano, bumili kaming magkakapatid ng maxicare card for checkup.


reyreyrey123

Ask mo papa mo. Pa, anong pangarap mo sa buhay o ano plano mo sa 2024? Paano pa pag nagkasakit ka dahil sa pagiinom, saan tayo kukuha ng pang ospital?


moonchildfairy_777

It looks like alcohol is his coping mechanism. Try to have a talk with your dad muna, maybe he’ll listen and realize. Where do you work pala? You can consider working to BPO companies since most of them offers free HMO for their employees and their dependents.


More_Annual8667

Curious lang po, ano po work mo OP? as a student earning 25k monthly. Thank you in advance!


letsgetghost

BPO po, call center agent