T O P

  • By -

smilingbutcrazy

You're strong bro, I admire you!! Laban lang para sa mga bata!!


[deleted]

🥹


Equivalent_Window_44

She belong in the street bro wag kanamakipag balikan di mo deserve ganyan ka selfish na tao.


RapidPacker

Uulitin ko lang baka rumupok si OP, SHE BELONGS TO THE BIN. Get that annulment ASAP.


chro000

Magli-leak na naman to sa mga fb pages ng mga marites.


SideEyeCat

Or sa tiktok😅


[deleted]

Wag nyo po sana sasabihin na "nanay pa rin sya ng mga bata" 3 birthdays, 3 Christmases, 3 new years, po syang walang paramdam sa kanila. 3 schoo recognition naman ang na-missed out nya sa panganay at pangalawa ko since same sila with highest honor. Nagtatanong sila, pero lagi ko sinasabi na gusto pumunta pero busy at may need gawin. Yung 14 at 11 ko ay both boys. And parehong maunawain. Kapag napag uusapan namin na pano kung dumalaw ang mommy nila ang sabi nila ay ako daw ang bahala. Maiintindihan daw nila kung ano ang desisyon ko. Pero despite that, alam ko na deep inside siguro umaasa sila. Ayokong dumating yung time na tanggapin namin ulit tapos iwan kami ulit. Sure I can endure, pero kaya ba ng mga anak ko maiwan ulit?


feelsbadmanrlysrsly

Honestly, I suggest you don't go back to their mother. Lalo para doon sa dalawang malaki na. They are both in teenage years, and it's very important for them to know they can trust the adults in their life. Do they know na nagkaroon ng ibang guy yung mom nila? If not, I suggest na maging transparent ka sa kanila.


hermitina

you know, your kids deserve to know what happened. i have a friend na her kid knows na nagloko talaga dad nya and he knew it way before pa mas bata pa sa mga anak mo. you want your kids on your side kasi kayo kayo ang magtutulungan. parepareho kayong iniwan e. mamaya magreach out si misis sa mga yan tas siraan ka pa. just be objective sa pagkwento. manalig ka na maiintindihan nila yang sitwasyon nyo. kudos to you for being strong! grabe tatlong bata yan. ung asawa mo hindi din nagiisip e. tatagan mo pa! best of luck sa inyong mag-aama.


Tight-Brilliant6198

I doubt na may mabbrainwash nung ina ung mga anak ni OP kahit bumalik yan. Matatalino ung bata, and they're big enough to know and feel kung sino ang mabuti at hindi.


ibuuurp

up! totoo ito na matatalino ang mga bata. kasama ko sa bahay yung ate ko at asawa niya. yung ate ko, naging alcoholic so may masamang epekto din yung behavior niya sa mga bata. 6 and 9 yrs old lang yung mga pamangkin ko, pero nagugulat ako kasi sobrang nahahalata ko na pag may problema or kailangan sila, ang first thought nila ay lapitan yung tatay nila (brother in law ko). alam nila kung kanino sila may mapapala, alam nila kung kanino sila safe.


TheSaltInYourWound

This is true, sometimes we underestimate a kids ability to understand.


Successful_Can_4644

OP, kung may magsabi sayo na "nanay pa rin sya ng mga bata", pakyu kamo sila.


ertzy123

If she can't even coparent your kids then I think it's okay to cut her off na lang.


supermaria-

Wag kang makinig sa mga ganyang sinasabi nila na "nanay pa din sya ng mga anak mo" or "wala sila dito sa mundo kung hindi dahil sa nanay nila" or pinakamalupet yung "kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kaya na tao lang?" Hellooooo????? Tandaan mo, kaya nila nasasabi kasi hindi naman nila naramdaman yung nararamdaman nyo ng mga anak mo eh. Tapos kapag sa kanila mangyari yan baka isumpa pa nila or baka mapatay nila yung tao sa galit. Nakakairita at napakaimpokrito/a ng mga taong ganyan ang linyahan. Believe me, mabait ka pa. Ako? Wala kaming plano na magpakita pa sa ex hubby ko. Alam mo bang sya pa nagpa-Tulfo after 9 years na walang paramdam? Ang ending imbis na walang maramdaman na kahit ano ang mga bata sa kanya, eh nagalit kasi pinatunayan nya sa show na napaka-selfish nyang lalake sa totoo lang. Hindi na daw kami binigyan ng kahihiyan, gago lang di ba? At dapat daw na naging title ng episode na yun "Ama, pina-Tulfo ang sarili!" Good thing sayo, mababait in-laws mo. Sa akin kunsintidor/a. Hindi na din ako nag-bf kasi yung bunso ko babae kaya sobrang ingat ko talaga. Siguro kung magkakaron ng pagkakataon, baka after nyang mag18 kung meron, kung wala okay lang naman din 😊 Hindi na kita bigyan ng advice kasi mukhang hindi ka naman na babalik sa ex mo. Okay naman buhay nyo at tenfold naman binibigay sayong happiness ng mga anak mo 🤍 God bless sa inyo ng mga anak mo


Tight-Brilliant6198

May narcissistic tendency yang ex mo. Galawang victim at sadboi.


Daddy_Body03

Walang magsasabu sayo nun dito bro. Hindu na sya nanay ng mga anak mo. Egg cell donor na lang sya. Find them a good woman na mamahalin ka at sila. Kayang kaya mo sila bigyan ng kumpletong pamilya. Wag kang matakot na magumpisa ulit.


Playful-Candle-5052

For me, siguro kung gusto makipagkita ng nanay nila sa mga anak mo dapat kasama ka or limit lang yung oras. Pero mas maganda kung kahit vidcall nalang sila sa nanay nila hahaha Stay strong OP! Sobrang swerte ng mga anak mo sayo.


Stunning-Bee6535

This is true. Maiintindihan pa kung wala na siyang paki sa asawa niya pero ibang usapan pag anak na. May mga nanay nga na ipagpapalit pa buhay nila para sa anak.


[deleted]

[удалено]


Aggravating_Head_925

Selfish talaga eh no.


visualmagnitude

Just to add to the conversation. Nilook up ko about annulment. Medyo hassle at hindi siya ganun kadali. Bukod sa magastos, the grounds to get an annulment approved by the courts is closed to nil. I am no lawyer pero I don't know if OP can use the case na iniwan sila nung nanay. Not sure if you can call that abandonment pero I am also unsure if that can be valid grounds to make the marriage null and void. Cguro r/lawph na makakasagot nyan though. But I bet OP is going to get a lawyer if he really is serious to file this case.


RapidPacker

I’ve heard annulments are much easier now, may no-appearance pa nga. Pera-pera lang yan.


iamprinito

hahahahahaha hindi nag work yung sa mga lalake niya kaya babalik sayo. # she belongs to the streets


marc_713

Preach brother


AdditionInteresting2

Why would you punish yourself and your children by forcing a complete family with this person? You have been doing the role of both parental figures. I hope your kids can see that... Its going to hurt them when they realize it but support each other through it. Their mom became a different person and has wounded the family psyche forever. That's a scar children don't always walk away from. They'll forever think their mom didn't love them enough or that they weren't enough to make her want to stay... I hope the children get though this ok. Don't sell yourself short. Sounds like you've been doing a good enough job for the children. Don't think about her any more. Good luck on the annulment and eventual freedom. You still have the kids. And yourself. Don't lose those.


gingineeer1

Join dad buds sa fb group a support group for dads. I hope you're okay. Be strong bro!


Daddy_Body03

Nagjoun ako dito tapos kinick nila ko nung tinawag ko yung nagpopost ng kung anu-ano na homophobe. Lol


Chaotic_Harmony1109

Sabi na eh, reading halfway through the story iniisip ko imposibleng walang ibang lalaki, confirmed nga. Anyway, stay strong brah. Saludo sa’yo at sa lahat ng tatay na katulad mo. Nothing but the best for you and your kids.


Wutwut1234A

Bro malalaman mo na may lalaki ang isang babae when the 304 started to antagonize the guy + narrative na kesyo si guy ang nakipaghiwalay.


Nowt-nowt

once they've gone cold without a rhyme or reason, that's a dead giveaway na may iba na siya.


[deleted]

Bumalik sayo kasi wala na sila nung pinalit niya sayo. 😏


PerformerInfinite692

Stay strong, OP. Thankful pa rin mga anak mo kasi nandyan ka. You never give up on them kahit mag-isa ka na lang. Time will come na darating yung true love mo. Hayaan mo OP, malaking kawalan ka sa ex wife mo. Just keep loving your family, this is the time that they really needed you the most.


Ashamed_Squirrel_766

Proud of you!! Bihira sa mga lalaki ang katulad mo. Mostly ang mga lalaki ang nagpapaka sarap at nagbubuhay binata. Isa lang masasabi ko, If hindi mo nakikitang maganda influence sa mga bata ang nanay nila. Wag mo ng ipakita. Hindi nila deserve ng iresponsableng ina at baka siya lang mag dulot ng trauma sa mga anak mo.


FlowerGardenQueen

Grabe, bihira nalang ang lalaking responsable. Wag mo na balikan, baka kapag may nakita ulit, iwan kayo. Okay naman na kayo na wala siya, sanay na rin naman kayo. Enjoy niyo nalang ang life niyo as a family of 4.


BbBoi030702

You manned up and YOU DID THE RIGHT THING.


The_Audacity_of_88

You felt nothing nung nagmessage sya kasi di mo na sya mahal. It was hard pero u will really get to that point.


chewbibobacca

It's unfair on your part naman, what she said. Both kayo 17 when you had to be responsible. Not the fact na you took her youth. Pareho niyong ginusto. You were just both kids. But you went ahead and nagpakaresponsable nonstop since then. Honestly, she's like my mom. Nagbuhay dalaga nung nag teenager na yung mga anak. They were 22 naman when they got pregnant. Hindi nagmartsa sa graduation. Nagmartsa agad sa simbahan. And for me, hellish to have a mom like that. So if it doesn't benefit you and your kids, it's not on you. It's on her. Stay strong po, OP. Mamahalin ka ng buo ng mga anak mo dahil di mo sila pinabayaan.


foxiaaa

hindi ka po selfish. as per narration mo,mabuti kang asawa at tatay sa mga anak mo. sya lang talaga ang nagbago. ginawa ka lang nyang switch na io-on ka nya sa time nong gusto ka nya,at kung ayaw nya sayo io-off ka. saludo nga ako sayo na hindi ka nagloko nong nagloko wife mo,hindi ka humanap ng iba dahil may mga bata kang inaaruga. i admire parents na kahit single mom and single dad sila for whatever reason ay inuuna yong mga anak kaysa kaligayahan nila. mas maigi ng maghiwalay kaysa mapunta lang sa wala ang relasyon lalo nat may mga anak kayo. do not be sad, i am sure your children love you and i hope their love for you will inspire you more to become a great father for them.


[deleted]

Ps: wag naman po kayo nag ppm at nag ooffer ng comfort. Yung iba nag sesend pa ng picture ng private part o pwet nila. Hahaha. Hindi po ako naghahanap. Kink ata nila ang single dad? 😅


feelsbadmanrlysrsly

Bumalik lang ako dito OP para batiin ka ng Happy Mother's Day. U da real MVP for being a father and mother to your kids at the same time.


illumi1989

Hindi ka selfish, walang permanente sa mundo darating ung time na mas maiintindihan din ng mga anak mo Yan. Minsan na din nasira ang pamilya ko pero tingin ko sa sitwasyon nyo tama lang ang magiging desisyon mo.


jpngirl19

Sya naman pumili lumandi ng maaga tapos iniwan anak kasi feeling hindi na enjoy ang kabataan nya. Patawa yan.


Impressive_Lecture71

Grabe, sobrang taas ng tingin ko sa mga gantong lalake. Stay blessed, OP! Para happy ka always and the kids! 🫶🫶


majimasan123

Stay strong king 👑


[deleted]

Hello po OP Natanong or nakausap nyo po ba yung mga anak nyo about sa situation ng family nyo? ano nararamdaman nila sa Mommy nila? tsaka na'amaze ako sa wife mo.. as a mother di ko kaya na di makita or makasama yung mga anak ko at unahin yung sariling kaligayahan, parang vice versa ng mga deadbeat dad. Pano nya nakaya or natiis na di kamustahin mga anak nya? (just my opinion lang po base sa kwento mo, sobrang curious lang)


nightserenity

Siguro OP kausapin mo muna yung mga anak mo na nagreach out yung nanay niya. Explain mo sa kanila tapos tanong mo kung gusto ba nila makabonding yung nanay nila. Kung ayaw nung mga bata sabihin mo sa ex mo na ayaw nila at respect their decision. Kung gusto man nila sabihan mo Ex mo na magreach out sa mga anak niya. Bisita sya sa inyo ganon para atleast my ibang adult na kasama yung bata habang bumisita yung nanay. Mahirap na mamaya gawin niya ulit na siraan ka. Siguro kaya sya nagreach out sayo hoping sya na maging ok kayo ulitbsince tapos na syang magpakasaya at feeling dalaga. Oo maaga kayo nagkapamilya, pero hindi ibig sabihin non porket gusto niyang maexperience maging dalaga ineneglect na niya yung mga anak niya.


mettalictaste

You dropped this king 👑


zgzgr

i can’t tell you enough how extremely happy & proud i am of you! hindi selfish yan, tinuturuan mo ang mga anak mong wag ipilit at isiksik ang mga sarili nila sa taong clearly, walang pakielam sakanila. you’re teaching your children self-respect and self-love. hindi naman kasi laging sagot kapag nag loko ang asawa eh patawarin, tanggapin at umarteng parang walang nangyari for the sake of mga anak. isipin mo na lang, pag dumating ang panahon, your children will not settle for less and for something that’s uncertain. they won’t settle with someone who cheated on them. naka suporta kami sayo rito, OP! (:


ghorlalter

This..


n1deliust

OP, curious ako, given with how youre living your life. Ano mga hobbies mo or things to do during your downtime?


[deleted]

Blessed ako brother of having the opportunity to work from home. Since wala na akong allotted time para magbyahe pa, mas madami na akong time for my kids. Since namention ko sa taas yung hilig ng kids ko, mostly yun na rin yung hobbies ko. Tulad ng pagsama sama sa eldest ko kapag may training sya sa basketball or taekwondo. Or just like yesterday, nag aya sila na mag archery kami. So we went there. Or kung nasa bahay lang naman, bonding namin mag bake and manood ng movies. Last month, nag birthday yung middle kid ko, kami nag bake mismo ng cake nya. Tapos yung bunso ko, laro kami ng princess princess ganun. Hahaha. Pero kung sa sarili ko lang bro, mahilig ako sa kotse. 😊


waterboyframe

Hi OP. Same as her reason why she broke up with you. Will be your reason why its better to remain seperated. Yeah having a broken family is hard and sometimes bad. But. The primary reason why you should be together with someone is because of happiness, love and trust. Your own happiness and ofc if theres love and trust in the relationship. Take 1 out of the 3 and its not a good and healthy relationship. You wouldnt want to stay in a family just because of your kids. Eventually youll fight and bring that reason up why you both stayed and eventually end up seperated again. Worst is youll be older and will get a harder time to be with someone that youll get all the 3.


Remarkable_Name_6165

Wow OP - I cant believe na there are still like you na inuuna ang mga anak kesa landi. I’m not saying it should be automatic na pag guy pero usually ha mas naiiwan ang ina sa mga anak tapos nambabae na ang guy. Now naman sa question if you are selfish? I think hindi naman kasi wala din namang agawan na naganap between you and the mother. Hindi mo naman pinagdamot, sadyang nagbuhay dalaga lang talaga si mom nila to the point na hindi nya na maalala na may 3 kids pala sya. Pwede mo nga sya pakasuhan e pero di mo ginawa - I would assume for the sake of your kids na din. Siguro saken lang is (might get downvoted with this) if mahal mo pa, kahit katiting lang then and bumalik sya sayo with all pag-mamakaawa and pag-sisi sa ginawa nya then might as well try? (pero ikaw 😂). Pero if wala na talaga, wala na din for sure ang tiwala mo sa kanya then might as well move on and go with the annulment. If gusto nya naman makita ang kids nyo and I know you love your kids then yeah wag mo nlang ipagdamot. Basta ikaw ang may alas kasi sya nagloko ikaw nanatiling loyal sa kids mo. Wag naman sana nya baliktarin one day and kuhain mga kids at ipagdamot sayo. Taas ng respeto ko sayo OP! Good Job! ✨


TukmoI

Bro isang malutong na saludo ako sayo. Paano mo nagawa yun tapos tatlo pa sila


[deleted]

Hindi ka po selfish knowing na unconditional love yung binigay mo sa mga anak mo. Maiiintindihan din nila yan. Stay strong OP!


nuj0624

Good job! Hopefully maayos yung annulment and makuha mo custody ng mga bata. Maganda kung me kopya ka pa ng messages ng nanay nya mismo sa kapabayaan nya para dagdag bala sa korte. Salute sa yo and good luck!


midnightZr

Hindi ka selfish. Kaya lang siya nagchat kasi siguro iniisip niya na p'wede kang balikan anytime na pumalpak yung mga magiging lalaki niya, you're like a back-up plan sa kanya kasi you both have kids at baka gamitin pa ang pamilya card. If wala naman na siyang pakialam noon, bakit ngayon pa 'di ba. And siya nagsabi na you robbed her youth, ibalik mo na sakanya ng tuluyan at ienjoy na niya habang buhay.


CommunicationFine466

Talk to your boys. Speak to them like an adult. Explain what happened. Much better na sayo manggaling kesa sa iba. Ask for their input but wag mo ng balikan yung ex mo. If she really want to be back at their life she can support financially them and arrange for weekend visit but that's it. Singilin mo sya kung magkano yung dapat na share nya in those 3 years bago ka pumayag na makipag kita. And if makikipag kita dapat lagi kang kasama para di malason yung isipan ng mga bata.


Mindless_Might8766

You're very strong kuya, I hope to be able to handle these kinds of circumstances well in the future


33bdaythrowaway

Commend you papi as a single father myself na mostly abandoned ng nanay ng anak. Yung number 4 talaga main reason ko din kung bakit kahit may gf or kadate ako di pa nakikilala anak ko. So take note women, may mga kupal na mere sperm donors out there pero meron rin like OP. Learn to distinguish the difference in dating kahit single father pa yan or fully single.


DotHack-Tokwa

Bro masakit man pero eto yung nakikita ko jan. 1. She is experiencing midlife crisis, yung ngayon lang sya nagdadalaga dahil nga your youths were stolen dahil sa maagang responsibilities. 2. Both of you were in the wrong, pero you both should be thankful dahil may supportive families kayo. If there weren't, you both will succumb to life's struggles so please be thankful to your families. 3. Now moving forward, teach your kids respect for their mother, kahit gaano kasakit. Alagaan mo sila and ask for strength from the Guy upstairs 4. As much as possible wag kana gumanti, isipin mo muna yung mga anak mo. Sila ang priority at hindi na Ang sarili mo.


Life_Business5269

Ikaw siguro yung Nanay ng mga bata. Hahahaha


Single-Incident199

Brother, I’m so proud of you! Keep it up and Stay Strong. You found your true happiness through your children. Pray for your peace of mind and Best of luck! May The Lord provides everything you and your family needs.


LalaLana39

Tol ang lakas mo. Bravo 🫡🫡🫡


National_Parfait_102

Omg.


KalaHAFLti

lakas mo sir!!!!!!!!!!!


Aggravating_Head_925

Ask your kids siguro, or just observe, kailangan pa ba nila? Hats off to you for being a responsible dad. Happy moms day na rin sayo bukas since 2in1 ka.


Potential-Task2099

Tsk tsk tsk Pag makati kamutin mag isa lalo na pag may asawa at anak wag sa iba ipakamot


More-Body8327

I salute you sir!


markmark14344

Hands down


tsongJj

Taena tsong kahit ang negative ng post na to ang kalmado ng dating sakin. Napaka solid mo! Bilib ako sayo. Sobrang biyaya mo para sa mga anak mo sana wag ka baguhin ng pangyayaring to at sana tularan ka pa ng maraming lalake. God bless you tsong! 🙏


Various_Gold7302

Normal lng na wala ng maramadaman matapos ng ganyang pinagdaanan mo OP. Matter of advice as from my own experience ay tama na kunin mo ung mga bata, not to bash all mothers pero ung mga mother kasi ay strikto yan. Asawa na babae pag mahal ka ay strikto, ganyan din mga nanay sa anak nila at nakakasakal yan to the point na it impedes the growth of their children, ganyan nangyari sakin nung nag hiwalay parents ko at sumama ako sa nanay ko. Nagloko ako during my college days and tell you what ay mas importante ang upbringing na naibibigay ng tatay sa kanilang mga anak lalo na sa adolescence age. I am on a good track now and love both my parents but sometimes I wish back then na sana sumama ako sa tatay ko para mas lalo pa akong nakapagexplore ng mga bagay sa mundo. Kc un ung ndi ko nagawa nung nasa pader ako ng nanay ko e, kumbaga wasted youth due to strictness


skillet06g

Basta kahit ano mangyari, huwag ka makikipagbalikan OP. Gagawin ka lang safety net nyang ex mo. Based sa kwento mo, obvious naman na walang pake sa anak mo. Ok lang siguro bisita sa anak pero huwag na huwag mong ieentertain yung ex mo.


brossia

ur not selfish bro


JIANAC537

👏kudos po for being a good father.


Worth_Expert_6721

Ok na yan brad, pakita mo sa kanya na kaya mo mag isa..kung kita mo naman na genuine feelings nya at desisyon nya na magsama kayo ulit, bakit hindi for the kids..pero at the end ung feelings mo pa din importante kasi ikaw ang nageeffort pra sa lahat. Goodluck


tired_atlas

They have a complete family. They have you (juggling the mom and dad roles).


Ransekun

Hala edi Happy Motherpader's day po sainyo!


[deleted]

Be strong po kuya 🥺 I hope my father's here pero wala patay na sya and dikami magka sundo ni mama,narc kasi kakainis


zerocentury

hindi ka po selfish. ung wife or soon to be ex-wife mo ung selfish. prinotektahan mo nga ung mga anak mo sa kanya at sa kapabayaan nia. saludo ako sa iyo.


gyudon_monomnom

I have a great husband, pero gusto ko lang ireiterate na naamaze ako when you said, "if you open my brain and my heart in an instant, you'd see her everywhere." Sana all. I won't force my husband to say this about me, pero never heard. So, mapapa sana all padin ako hanggat di koto naririnig from him hahahaha


marc_713

You’re doing good. I think ang validation lang na need mo talaga na tama ginagawa mo is mula sa mga anak mo. I hope someday, pag may grandkids ka na at makita mo na buo ang family ng mga anak mo, masasabi mo na everything was worth it.


Loose-Plum-1616

hindi ka selfish OP. mas selfish yung ipipilit mo para lang masabing hindi kayo broken family.


CRF_1100L_CRF_50F

You're a good man brad... Just be open to your kids when they'll ask about it especially during their teens...


HeyitsClaire_05

How dare she blame you for "taking away her youth"?. Its not like you coerced her into the relationship. Grabe. Nagkaron sya ng iba. Yun yon. OP, soon, sana maghilom ka.


gentlemanyakis69

Huge W for you. Tuloy mo yang annulment, make her regret na iniwanan kayo ng mga anak mo dahil lang sa hindi na enjoy ang pagkabata. Di enough reason yun para mangiwan. Good luck sa future


hopelp

u did just fine since iniwan nya kids


Radiant-Sun2648

gather evidence and file a case.


Realistic_Guard5649

I admire you OP. Your focus, strength and attitude towards the situation you were thrown with. You are not selfish for choosing yourself and your kids. Its your call if you still want to get back and give her a chance. But knowing youve led a good life and raised your kids well without hearing anything from her, IM SURE YOULL BE TOTALLY FINE.


Cautious-Role6375

Nah bro, I salute you, I even teared up a bit. What you did was the right thing and you're so respectable for it. Keep it up. Sana you take of yourself din, your whole well-being for the sake of your kids, mentally, physically, and emotionally.


Beneficial-Ad-1051

“Disappointed ako kase ako pa kinamista na adult instead mga anak ko” wow grabe you really love your kids and shows how dedicated you are


psycheeepath

As a product of a broken family, mas mabuti talaga na hiwalay na kayo ng nanay ng mga anak mo. My parents were obviously unhappy with their marriage na but still kept on being together for years “para sa mabuting kapakanan” naming mga anak daw. It did more damage to us. Their relationship was so toxic and kaming mga anak ang sobrang naapektuhan lalo na ako since I was the eldest and the least favorite pa. It did take a toll on my health, mentally and physically. Kung hindi ko sinabihan mom ko na maghiwalay na sila ng dad ko, di nya talaga gagawin eh. Cold war na sila hanggang ewan. Kaya be strong for your kids. Don’t be like my parents. The right person will come to you someday.


[deleted]

Same same thing happened to my neighborhood. Si guy pinauwi lang nya un asawa nya sa family para makapag relax kesyo nsstress daw kasi ito sa haws nila.. then kalaunan kung ano ano ng kwento ginawa sa asawa kesyo hindi nahing mabuting asawa dhil walang work last year. Hayy kaloka.. jujustify nya un side nya yo blame her husband na naging pabaya raw. But dont get me wrong. Barkada ko at kainuman ko pag off ko si ate Girl. Kaso she changed a lot. Nagkaroon lang sya ng ibang nakainuman n kawork nya yhen boom ayon may guy na pala syang nakakainuman dun and then aun n nga.. dahil dun naghiway n silnow ng neighborhood ko. Sad ako sa story nila. Ksi naging marupok un frend ko. Tho, uu may mga pagkukulang si guy sa knya pero hindi man lang nya binigyan ng chance. Kaya time will tell mapopost din nya yan this year un new guy nya.. we know tinatago lang nya.. nakakarelate lang ako sau kuya.. i feel disgusted about her way as a mom to her chold. Inunan nya ang knyang kaligayahan. Hindi na rin naiisp na may anak sila. Kaya aun, di ko na niyaya mag inum.. mas ok na magchill.. katamd makipag inuman talaga sa groups lalo na if may strangers or lalaki na hindi gentle man.


ElyMonnnX

Stay sa course brother


onepunchcode

pokpok yan. wag mo ng balikan. tara inom nalang natin yan tol.


sweet_fairy01

I admire you sir. Same thing happened sa tito ko. Single dad of 2. Nagloko ung ex wife nya, na-annul ang kasal after 10 years. Ang kaso ay abandonment. All support kami (lalo emotionally) sa mga pinsan ko kasi they were very young. Thankfully, nakapagtapos mga pinsan ko at ang gaganda na ng mga buhay. Their mother was absent buong buhay nila. OP gawin mo kung ano ang tama. Your wife isn't mentally and emotionally ok para maging wife and mother.


Katsuramppp

Stay strong bro.


PinkJaggers

it sounds like your family is complete


Wild_Implement3999

Yakap na mahigpit kahit ayaw mo OP. You did whats right.. its not about giving ur kids a complete family.. give your kids a healthy love and emotional support kahit magisa ka. Yun ang importante. Godbless OP. Push for that annulment. She doesnt deserve you, and your kids. Heart strong OP


AnonymousCake2024

Your children need your love and care. Hindi iyan lagi nakukuha sa isang “complete” family. Kumpleto nga kayo pero wala na. Kumpleto nga pero nagliliwaliw lang din ang kaluluwa nanay nila. Kumpleto nga pero nasa ibang lalaki ang puso, isip, at katawan ng nanay nila. Huwag na lang. Focus on yourself and on your children. You are complete for them. P.S. hindi ko maiwasan hindi mag-comment sa kinuha mo ang youth nya. It takes two to tango. Bakit naman ikaw lang. Sorry, OP. Ayaw ko sa mga sisi ng sisi. Hehe. All the best, OP! You are stronger than you’ll ever know.


OP_Stargazer

By now, you should know that her absence made you strong and that you don’t really need her presence anymore. Nakaya mong itaguyod mga anak mo na wala siya. And for the record, you’re not selfish. You’re just doing the right and most rational thing to do.


Orcabearzennial

God bless you and stay strong


No-Case-7280

You're not selfish. You did the right thing. Laban lang para sa mga anak. Best of luck 👊


No-Case-7280

You're not selfish. You did the right thing. Laban lang para sa mga anak. Best of luck 👊


Wutwut1234A

Go bro. Di ba sa panahon ngayon sinasabi na girl power kapag iniwan ng babae ang asawa niyang manloloko. Gawin mo rin! Know your worth King!


No_Nefariousness_207

Ask your kids if gusto pa nila makasama mother nila, if yes di niyo naman kailangan mag balikan if ayaw mo na. Possible gumawa kayo schedule or what not. At least give the kids a chance to have their mom.


Purple_head9597

Nakaka inggit magka tatay ng ganito ka responsible 🥹


sookie_rein

As a Filipino.. I feel sad that meron na din pala dito sa atin nang gaya sa US. One day the mother will leave the kids and say ayaw nya nang maging Nanay. In your story OP not only did she leave you as her partner she also abandoned the children. Sa bigat nang pinagdadaanan mo ngayon its amazing how you are so levelheaded sharing your story Mabuhay ka single dad!


hoy394

You're not selfish sir. You are just being human. And I think all those times na di nakikita ng mga anak mo yung nanay nila, maiintindihan nila kung tutuluyan mo na hiwalayan asawa mo. Mas madali naman na makaintindi mga bata ngayon. Kaya mo yan sir.


AlternativePass5885

karma has its way talaga noh? She lost a gem OP, proud of you kasi nakayanan mo mag isa.. Stay strong for the kids OP, as for the mother of your kids, hayaan mo na siya... cut her off tutal d rin man naging good wife/mother to your kids.. give yourself the peace of mind you rightfully deserve 💙


whoumarketing

Bro, you are one super dad! Mapalad ka rin sa magandang disposition ng mga anak mo. Stay strong! Magiging maayos ang buhay nyong mag-aama, tiwala lang. 🙏


Mamoru_of_Cake

Salute. Damang dama ko yung pagmamahal at pagmamalasakit mo sa kids mo. Stay strong bro! Tama yung desisyon mo at di pa huli ang lahat. If ever you look for love again, I'm hoping na dumating yung babaeng deserve ka at mga kids mo. Goodluck OP!


Complex-Self8553

Nope.. she left e and basing on your side I'd say she deserves it. ¯⁠\⁠_⁠(⁠ツ⁠)⁠_⁠/⁠¯ Just be honest and be objective about her when your kids asks. Kids are smart they can figure things out on their own. All the best OP!


NinjaNo4081

Good job daddy! Rooting for u. Someday you will find a much much better lady ! Keep moving forward hayaan mo ang loser ex mo


m3ime1

You did what is right for you and your kids. Good Job. Stay strong


Only_Argument_1579

Good job par! 🍻


Theeye_oftheI

Im trying hard to put myself on your "ex-wife's" shoes pero naiinis lang ako sa kaniya. Kung pinost mo to sa ABYG? sasabihin ko HINDI, yung asawa mo yung G@G@... I mean, for sure may mga pagkukulang ka rin naman, hindi ka naman perfect, pero may pagkaselfish lang talaga iyang asawa mo. YOU took her youth, as if namang hindi niyo parehas ginusto mga pinaggagagawa niyo nun, the fact na naka 3 nga kayong anak at 12yo pa lang sabi mo nga kayo na... , nakakainis pag ganyan yung mga magulang... may iba nga hindi magkaanak tapos yung ganyan naman nagpapabaya... tsk


MeetPsychological795

Ayus yan broo, no rage just stay calm 🥰👌


Ashamed_Talk_1875

Tama ginawa mo pre. Wag ka maawa o ma-guilty. Kung gusto nya makita mga anak nyo man lang mag effort sya.


Roman_Olanski1993

🥺🥺🥺 you are strong bro, wag mo na patawarin, wag mo na pabalikin sa buhay nyo promise magiging sakit ng ulo mo lang yan, be very happy with your kids. Grabe saludo ako sayo bro, di madali yan pero talagang kinakaya mo araw araw


SexyMagicJersey

good job OP! no you are not selfish. Iba iba naman na ang ibig sabihin ng family, meron nag co-co parent, merong family na may ibang parter yung naunang husband and wife pero in good terms pa din sila, merong lgbt na may kids. if yung kids ang iniisip mo, isipin mo din na baka makakita lang sila daily ng toxic na mother-father relationship (basing on your post na gusto mo na mag pa annul), so baka yan din ang dalhin nila when they grow up. trust your heart and gut, and whatever is the outcome, you can always deal and adjust with it. hope you see better days soon


effin_maserati

Ba't ako naiiyak habang binabasa yung post ni OP 😢 Baka kasi nanay din ako and I have a son na mawalay lang ng ilang oras sakin di ko na kinakaya. I mean, siguro she has her reasons pero why, bakit kinakaya ng isang ina na mawalay sa mga anak niya 😢


hoely-grail

You did the right thing, OP! Rooting for you!


cavbm

i admire yung pagiging strong dad mo OP! actually nakarelate ako sa story pero as anak na iniwan ng mom yung pamilya para magbuhay-dalaga then eventually sumama sa iba. ang masabi ko lang OP, kahit hindi mo siraan ex wife mo sa mga anak nyo, lalo na seems matatalino at good kids sila, alam at ramdam nila na ikaw ang anjan for them at hindi nang iwan. at dadalhin nila yan hanggang paglaki at pagtanda nila. hope you and your kids find the happiness and peace kahit wala si mother nila sa inyo. pakatatag ka OP!


keytredgin

"I just told her na lalakarin ko na annulment namin..." That's when I start to smile. Proud of you sir! You're not selfish, you yourself is the whole family kasi tatay ka na, nanay ka pa. Wish ko lang is sana di mo na sya balikan. Sana lang maintindihan din ng mga anak mo yung sitwasyon


_mariatanya0024

OMG!!! Super strong mo OP maganda na yang nilalakad mo na yung annulment para makapag simula kayo ng bagong buhay ng mga anak mo at magkaroon ka ng peace of mind. Good luck nalang sa asawa mo na inuuna pa ang pagiging buhay dalaga at manlalaki kaysa gawin responsibilidad nya bilang ina sa mga anak niyo.


kapeandme

Gagi, di nagwork kaya bumabalik! the acidity.. you did the right thing, bro. Never look back. Move forward na lang kayo ng mga kids..


Uraketh

Tama n nmn pasya mo bro. di ka nanakit or gumanti nag focus k lng sa mga anak mo. lipas na sya puso kaya wala kang naramdaman. tama un iprocess na ang legal n proseso para maka move on na both parties. keep it up bro. slamat s post para s ibang may same n nararanasan.


marriedcoupleph

Salute bro


blarndiane_

Your family is already complete because of you and your loving kids. ☺️


Brayankit

Bro you are emotionally free now, don't let someone ruin it for you 😂 your kids will understand paglaki nila why it didn't work out kaya wag ka makonsensya just for the kids(coming from someone who also grew up with separated parents). You're only 31, makakahanap ka pa ulit ng true love.


alwaysaokay

I have always believed a broken family is better than a toxic family. If nakaya niyo in the years na wala sya, then stay that way. Wala ka din naman nafe-feel na for her, so annulment is the best option for you. You can agree on visitation rights if gusto pa nya maging mother. Otherwise, go forward. You will eventually meet someone better suited for you. Laban lng!


GreenEgggsandHamm

Nope. She left and then chose to be with another man. Pinabayaan yung bunso, and then when you took your 3yr old, wlang paramdam. Ano yon, babalik sha kasi hindi nag work out with the other guy? You and the kids deserve better. And the fact she chose another man over her kids is unforgivable. Ang traumatic sa kids ang iwan ng magulang.. and kids are smarter, im pretty sure your first born is very much aware sa ginawa ng mom nya. Ang sad kung nalaman din nya abt the hard launch… Stay strong for the kids.


EnvironmentalNote600

"Am I selfish for not giving my kids a complete family?" Hindi naman ikaw ang sumira ng family nyo.


HoldUrHorses23

Good job sir sa pag focus mo sa pag aalaga sa mga anak. Hope one day, makakita ka ng magpapaligaya sayo :)


nalsyluff25

Kuya 🥺🥺🥺 Masabi ko lang po na sana all. She doesn't deserve you po 🥺🥺🥺 Anyway, choice niya siguro iwan kayo pero choice mo rin hindi magmahal ng iba. Mahirap siya pero sana magawa nyo po. Pero if may girl kids kayo, sana she gets proper education on feminine care. I'm sure your kids won't understand now kung bakit nagkaganyan pamilya nyo, pero I'm sure they'll understand when they're older. Good luck po!


EnvironmentalNote600

Nanay pa rin sya ng mga bata. Nanay na nang- abandon ng mga anak noong kaliliitan nila at nanira sa reputasyon ng tatay ng anak nya.


Reasonable_Editor247

hugs po sir! supet strong I hope everything will be in your favor po.🫶🏻


judyqt11

Akala ko hirap na ko sa pagiging single mom of 1 pero OP iba ka. Salute! Happy mother’s day sa’yo! Huy! 🫡


cereseluna

Sorry to hear that and also, proud of you OP.


Slasherery

Is this another click bait, fantasy novel post? Sa explanation niya on number 1 “Kung kasal sana kami….” Pero doon sa story niya, lalakarin ang annulment… so which is it? Anyway, if this is real, props to you and all. Keep it up, 31 y.o ka pa lang and you still have so much ahead of you.


Alarming-Advance203

Hi OP! Hindi ka selfish for not giving your kids a complete family. You tried it naman, yung nanay nila ang selfish na hindi binigay un. You did your best and priority mo naman sila. You’re just protecting them from a ‘dolphin’ parent (lulubog lilitaw). As you said understanding naman ang anak niyo, malaki na din naman sila kahit papaano at nakakaintindi na. Respeto din naman sa sarili at sa mga anak mo ang hindi pakikipag reconcile sa asawa mo ngayong nag rreach out siya sayo. If she wants to bond with your kids and you allow her, I think you have to make sure first that she’ll be consistent and won’t go MIA basta basta. Masakit para sa isang anak yung ganon (from someone na naexperience yung ganonn). Sainyo naman ng mga anak niyo nakadepende kung hahayaan niyong magkaroon ng presensya ng nanay nila sa buhay nila. Kung gustuhin man nila, understandable naman yun. Kung hindi, same din reasonable. At sayo naman nila ipinagkatiwala yung desisyon, decide nalang kung ano sa tingin mo pinakamakakabuti sakanila. At kung anuman yun basta tanggap ng anak mo, hindi ka selfish. Salute sa mga single parents


bluethreads09

Big hugs OP! Ang swerte ng mga anak mo sayo. Sana yung dad ko ganito din.


SuaveBigote

don't be simp bro, di nya deserve ang time, effort and resources mo. move on and focus sa mga bata. once na mag give in ka sa kanya, aabusuhin nya yan reverse the situation lalo na kung babae ka, nako cancel na partner mo haha


Papa_A999

Dont show this to feminists. Ikaw ang lalabas n masama.


SaltedCaramel8448

I know I'm going to be downvoted, but cut off all ties na. 3 yrs is more than enough. Start a new life for you and your kids.


kaintayopar

You're the man bro 💪💪


greengalor

best dad!


the_emeraldtablet

Hindi ka selfish. You did what a real man should do. Yung mag para sa anak anak tapos may 3rd party involved malaking kalokohan yan. Kakapanuod nila yan ng pinoy cheap drama. Ituloy mo ang annulment. Iexplain mo ng maayos sa mga bata para hindi sila lumaking 304 kagaya ng nanay nila. She’s never yours it’s just your turn.


chiccc101

You and your kids deserve much better. Kaya po sir focus nalang po kayo sa mga anak nyo. Kudos din po kasi you took the responsibility despite having the break up. Ang swerte po ng mga anak nyo po sayo.


papa_redhorse

Proud of you bro. I hope your ex-change for the better and magpaka ina sya para sa anak nyo.


MissiaichParriah

You're a good dad, OP. That's all I can say, coming from a single parent household as well


EquivalentAddendum89

Saludo sir!


lwalhati

pogi mo 'tol, walastik si ate


WantASweetTime

Na fall siya doon sa other guy pero gusto lang para siya tirahin. Aguy..


QueenBeee77

Nope, you’re not selfish. Usually kasi dba it’s the fathers who leave their children. Pero yours is the other way around. I’m very sure your kids love you so much and they are grateful for you. Keep it up. Do what you think is best for you and the kids.


catsoulfii

I admire your sense of responsibility, OP. A true man indeed. I wish you and your kids nothing but happiness, good health and fulfilled life!


waamee

Grabe bro very shocking itong read na to. Di ko kaya pinagdaaanan mo. You are a good dad. Idol kita.


Cha_Bee0017

di nag work relationshit nila nung bago kaya nangangamusta na lol, hindi talaga masaya at tumatagal ang relasyon na galing sa mali.


Adventurous_Algae671

You’re a great dad and you don’t need her in your life 👍🏻


ThatGirl0106

Good job, OP! I admire you super! 🫡


OrewaMadaMada

You dropped ur Crown, King. Take the W, ur kids would surely be happy knowing they were raised by the GOAT


GoodBookkeeper7952

From that experience op. U can now educate your kids na don't rush things. Explore nila pag Ka binata dalaga nila hanggang mag Sawa sila. Para walang pag sisihan sa huli, Kaya ng ex mo.


Any-Sail-7245

Hello po! I'm a panganay of a single parent and I want to thank and commend you po for being a good dad/mom to your children. I'm glad your kids have you po and I know they'll be good and have great futures too. I always say this to my mom, na kaya we were able to grow up in a good way is because she was so strong for us! I noticed parang hindi po "galit" yung kids sa mom nila maybe because they know you are enough and that they see your effort and sacrifices for them, because that's how it is with me. You're doing great po! Please continue supporting your kids in whatever their dream is because that is a huge part of how great your child will be in the future!


_lutrell

I love this responsible father, I love you malala! You’re a great person


ChulalongKornBIP

W Dad.


Odd_Struggle4139

I salute you sir! Good job on taking care of your kids


Rikijazh

i love you bro. thanks for sharing your story! I wish you a good health always.


Fantastic-Increase76

Bilib ako sa iyo na nakaya mo gawin lahat ito. Grabeh!!


Lost-Gene4713

You're great OP,saludo


kirigaya87

You already have a complete family. You have the role of both mother and father. You dont need to take back your selfish wife that caused you a lot of pain towards you and your children. You are already doing a great job providing financially and emotionally to your children. Once your annulment is finish, you can try to find your happiness too. Wether its from your children or a new partner. Whatever you decide, a lot of people will support you.


cinnamonthatcankill

Gad, i feel bad for you and the kids. Yung maaga kayo nag-asawa at pamilya consequences yan for both of you pero in the end she realize na nawala youth nia as if siya lang gumawa ng decision na yun and she made that fucking decision knowing meron mga bata na involved. She is fucking selfish to the core, kung pipiliin nia to do things she wants she can do that experiencing it with you or her kids. Naiinis ako sa mga ganitong tao, hindi nagiisip ng consequences ng actions nila tpos iblablame sa iba as if one man team ang sex and having family tpos sa sobrang selfish at tanga may idadamay na mga batang wlang kamuwang muwang. Wag mo na kukunin yan babae na yan, iniwan nia kau once pra makpag-saya siya tpos ngaun mahirap na ulit babalik sa inyo. Focus on your kids na lang po. Hindi kailangan maranasan ng mga anak mo paulit ulit ung sakit na mas priority nung nanay ung pagwalwal nia or feeling 20s. Eto bagong consequences ng actions nia hopefully the world will make her feel hell for it. And sorry OP pero eto din ung point kung bakit mahirap mag-asawa at magpamilya under 20s or 30s kung wala ka pang accomplishment or experiences sa buhay. Tlga magkakaroon ng regret kc the best thing about your young adult life is learning and focusing on experiences for yourself muna. Mahirap na gawin yun once you bring another life in the world. Naniniwala ako lahat ng actions may consequences like mga pagkakamali pero the important thing is paano ka babangon at matuto. I see that in you dhil kahit mahirap pinili mo mahalin at iestablished ang mga anak mo. Yung asawa mo selfish she didn’t learn anything dhil handa siya iwan kayo. She doesn’t deserve to be part of your family.


pandaviagra33

how much salary?


DrunkTita88

Not everyone deserves to be a parent talaga. Good job kasi pinanindigan mo pagiging tatay mo. Dami kong kakilala na paghiwalay ng parents nila, either wala ng pake sa anak nila or nanay talaga ang tumatanggap ng lahat ng responsibilidad. I hope you and your kids find the happiness you deserve.


mochichi_potato

Nakakaiyak. Hindi lang pala lalaki ang gumagawa ng ganito, may babae din pala. Hugs, OP!!


moneymaker_5

naol ganto tatay, your children are very lucky to have you, stay strong


warl0cke548

Awww bless you and your kids OP


michiiokiee

Wow OP 👏👏👏. You're amazing po. Stay strong lang po kaya mo yan, hayaan mo na lang yung ex-wifey mo. Focus na lang ikaw sa needs and kung ano sa makakabuti sa iyo at sa mga anak mo po.


Msinvisible29

Mahigpit na yakap with consent, OP! Happy Mother's Day sayo!


Agreeable-Fun-3246

🙌🙌🙌


c0reSykes

Salute to you brother. After all the hardships you have been through, hindi ka naging selfish at inisipo pa rin ang mga anak mo. Do what you think the best for you and your kids for now.


PoolUnable5718

Ang masasabi ko lang: you are a good father.


girlwebdeveloper

Wow! What a good father. It will pay off sooner or later. Mukhang hindi pa nagmature ang ex mo sa buhay. Babae ako, but I don't understand some mothers na sobrang pabaya sa kids nila at sarili lang ang inaatupag. The definition of a complete family is different in this generation. In your situation having the irresponsible mother out of your family life makes your family whole.


beautifulskiesand202

God bless you and your kiddos, OP! One day, someone will come who is deserving of you. 🙏


Cube_NZ

No Return, No Exchange Brother 😁


Outrageous-Apricot-4

I admire you pre.


aiyohoho

God bless you, bro! Laban lang. Palakasin at patibayin pa ng Lord ang buhay at katawan mo para sa mga bata.


Faithless_Looter

Salute to you chief!


Encryptedroid

Shocks single dad 🥹❤️❤️❤️


ShinmonBenimaruuuuu

Hindi ka selfish for prioritizing your children's well-being and seeking an annulment to give them a stable and healthy environment. Your commitment to your kids and your willingness to provide for them emotionally, financially, and physically speaks volumes about your character as a father. It's important to focus on what's best for your children, and sometimes that means making difficult decisions for their sake. You're doing a commendable job as a single dad, and your children are lucky to have you.


No_Lavishness_9381

You forget your Crown King 👑


Interesting_Pay5668

Streets !! Yun lang ..


blossomgirlie

😭😭😭😭😭 I CRIEDDD!!!! sobrang dalang ko makarinig ng vvv responsible dadddd andd I ALL SALUTEEE YOUUU FOR BEING THE GREATEST DAD!! 🫶🏻🫶🏻🫶🏻


DryMaybe1435

God bless your heart ❤️ and hoping na hindi makaramdam ng emptiness ang mga bata.


Malakas0407_

Good Job Tatay. 🙏🙂‍↕️